Advertisers

Advertisers

Mas mabigat na parusa sa nuisance candidates lusot na sa Kamara

0 243

Advertisers

KINATIGAN ng 191 na kongresista ang pagpapatibay sa House Bill 9557 na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga nuisance candidates sa halalan.

Aamyendahan nito ang Omnibus Election Code upang mapanatili ang integridad ng electoral process laban sa mga nuisance candidates.

Ang mga mapapatunayang nuisance candidate na lilikha ng kalituhan o gulo sa electoral process ay posibleng maharap sa multang P100,000.



Kahalintulad ding multa ang ipapataw sa mapapatunayang kasabwat ng nuisance candidate.

Nauna nang tinukoy ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, mayakda ng panukala, na sa bansa ay naging kasanayan na ng iba ang paggamit ng nuisance candidate.



Karaniwang gumagamit ito ng parehong pangalan o apelyido ng iba pang kandidato para lituhin ang mga botante o kaya naman ay ginagamit ng ibang pulitiko para pahinain ang boto ng mga kalaban sa posisyon. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">