Advertisers
INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang special risk allowance para sa 20,000 health care workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Inihayag ito ngayong araw ng DBM kasunod ng utos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas na ang naturang benepisyo sa loob ng 10 araw makalipas ang mahabang panahon na ito ay na-delay.
Sinabi ni Acting Budget Secretary Tina Rose Marie Canda, ang bahagi ng halaga para sa special risk allowance na itinatakda sa ilalim ng Bayanihan 2 ay naibalik sa National Treasury matapos na hindi ito naipamahagi sa lahat ng mga dapat bigyan.
Ayon kay Canda, P311 million ang kinuha nila mula sa Miscellaneous and Personnel Benefit Fund para ibigay sa mga health workers na hindi pa nakakatanggap ng special risk allowance.