Advertisers

Advertisers

Sa pagbabalik ng serye sa Nobyembre… Alden iibahin ang role, mas palaban na

0 313

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MIXED emotions ang nadarama ni Tom Rodriguez sa season break ng GMA primetime series nilang The World Between Us.

“Siyempre konting nalungkot din, but at the same time, I thought it made sense kasi kahit nung umeere yung show, habang ginagawa namin, confident kami na kaya naming matapos, magawa lahat e, kasi sobrang efficient nung team, ng production team.



“Kaya nung nangyari yung ECQ and we had to stop to adhere to the protocols, naabutan na kami ng ano, ng pondo namin.

“So parang kung pantay sila dati, mas umano na yung kakulangan ng pondo, naubos na kesa sa mga naibabangko namin. Kaya it made a lot of sense.



“And gaya ng sinabi ni Sid, at least in this way magkakaroon kami ng oras para mas puliduhin pa yung mga gagawin namin kesa dati naman efficient na kami, so paano pa kaya kung mas may lead time kami?

“So hopefully,  mas ikagaganda pa ng project.”



Hanggang sa Biyernes ng gabi, August 27 mapapanood ang The World Between Us bago ito magkaroon ng season break; muli itong eere sa GMA sa November 15.

Bukod kay Tom (bilang si Brian) ay nasa The World Between Us sina Alden Richards bilang si Louie, Jasmine Curtis-Smith bilang si Lia, Dina Bonnevie bilang si Rachel, Kelly Day bilang Audrey, Sid Lucero bilang Eric at Jaclyn Jose bilang Yachie.

Ito ay sa direksyon ni Dominic Zapata.

***

DAHIL hindi tipikal na wholesome at goody-goody ang role niya bilang si Brian sa The World Between Us sa tingin ba ni Alden Richards ay handa na ang mga fans niyang makita siya sa gray, or posibleng mas dark na roles?

“Actually, yun nga. I had words with top management a few days ago to reassess the character and for future projects na rin as well.

“Parang the way we see it, I also presented facts na doon po sa ratings, parang when we started from sweet… kasi I call those scenes as giveaway scenes, kasi nagawa ko na siya in past projects.

“And then, sa nagiging transition ni Louie, mas nagiging interested yung audience. Mas nag-i-spike yung ratings kapag merong scene na hindi conventional.

“And what are those na non-conventional scenes? Fighting back, hindi siya nagpapaapi, wala masyadong kilig—kilig in a different way, hindi yung kilig na giveaway or yung layman’s term natin sa industry, yung pababeng kilig.

“So ganoon sila ka-detailed. Kaya yun po ang nakikita ko, they like to see a new version of Alden na transitioning into more mature roles.”

Handa na nga kaya ang mga tagahanga niya na mapanood siya bilang bad guy?

“That’s what we don’t know yet, kasi I haven’t done anything na antagonist. Siguro one time lang, that was The Road and that was 2011, one year pa lang ako sa industry,” pagtukoy ni Alden sa isa sa mga unang pelikulang nagawa niya noon sa GMA Films.

“Pero we can plan the process slowly. Kasi baka naman kapag tumalon kami eventually, parang walang solid foundation ang transition, so baka bumagsak din siya.

“Sabi nga ni Warren Buffett, when you test the water, you don’t test the water with two feet, isa lang. So ganoon kami ngayon.”

Si Warren Buffett ay isang sikat na American business tycoon, investor at pilantropo.