Advertisers

Advertisers

Best mayor sa Metro Manila

0 530

Advertisers

SA 18 months nang pandemya sa Covid-19, nalaman natin kung sino sa local officials ang kinakitaan ng pinakamahusay na pagtugon sa problemang ito sa virus sa Pilipinas.

Ito’y ang 46-anyos na alkalde ng Manila City, si Isko Moreno, kilala rin sa tawag na “Yorme”, “Kois”, or “Iskat”, mula sa tigasing lugar ng Tondo.

Bakit ko naman nasabing siya ang “pinaka” sa lahat ng alkalde sa pag-handle sa problema sa Covid-19? Kasi sa kabila ng may pandemya ay patuloy niyang nagagawa ang mga makabuluhang proyekto sa lungsod tulad ng beautifications, social services, pagpatayo ng mga paaralan at mga pabahay para sa mahihirap. Tuloy din ang allowances ng lahat ng mag-aaral sa city-run colleges kahit online learning. Wala ring paltos ang allowances ng health workers, teachers at pulis.



At ang pinakamalupet!!! Nabakunahan nang lahat kontra Covid-19 ang mga residente ng Maynila. Pero tuloy parin ang pagbabakuna ngayon ng LGUs ng lungsod para naman sa mga taga-ibang lugar na gustong magpabakuna, walk-in nalang, kailangan lang mag-register ng QR Code.

Bumibili kasi ng sariling bakuna ang LGU ng Manila, hindi umasa sa patingi-tinging bigay ng national gov’t. na umaasa rin lang sa mga donasyon ng ibang bansa.



Ang maganda pa rito, binibigyan ng LGU Manila ang ibang lungsod na hindi kayang mag-procure ng bakuna dahil sa kakapusan ng pondo.

At alam nyo ba? Ang Manila gov’t. ang laging nauuna sa pag-distribute ng mga ayuda sa mamamayan nito. Dahil narin ito sa mahusay na sistema ng mga opisyal ni Yorme. 24/7 kung magtrabaho!!!



Tuloy… isinusulong ngayon ng marami ang pag-level up ni Yorme sa public service. Yakang yaka na raw nito maging Pangulo ng bansa. Si Yorme na raw ang sagot para makawala sa magdalawang taon nang pandemya sa virus. Mismo!

Sagot ni Yorme: “Hintay lang!!! May tamang oras para dyan. Unahin muna natin itong pandemya, sagipin muna natin ang mga buhay.”

Sa tingin ko, pakikinggan ni Yorme ang panawagan ng marami na: “Isko 2022”. Abangan!

***

Sunud-sunod ang pagkakalambat ng ating mga awtoridad sa pamumuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga bigtime illegal drugs traders na Chinese nationals sa bansa.

Nitong Martes, Sept. 7, nasabat ng mga awtoridad ang higit P3.4 billion halaga ng shabu sa Candelaria, Zambales. Apat na Intsik ang patay sa operations. Very good!

Kasunod nito ay nasabat din ng mga awtoridad ang higit sa kalahating bilyong halaga ng shabu sa operasyon sa Tipo Gate ng Subic Bay Freeport Zone. Tatlong Intsik ang naaresto rito, masuwerteng buhay ang mga demonyong ito. Sana niratrat nalang!!!

Siempre pinuri ni Pangulong Rody Duterte ang mga awtoridad sa pagkakasabat sa sako-sakong shabu na ito, na kung hindi nahuli ay tiyak maraming pamilya ang masisira.

Ang hindi lang natin magustuhan sa sinabi ni Digong ay ang pag-“sorry” niya sa mga napatay na demonyong Intsik. Nasayang daw ang mga buhay. Ngek! Nag-sorry siya sa pagkakapatay sa Chinese drug lords pero hindi manlang siya naawa sa mga inosenteng Pinoy nadadamay sa kanyang war on drugs. Sasabihin lang na “collateral damage”. Buwisit!