Advertisers

Advertisers

11 DOCTORS, NURSES SA PGH UMALIS NA!

0 340

Advertisers

HALOS sabay-sabay na bumitiw sa tungkulin ang 11 doktor ng Department of Health (DOH) na nakatalaga sa Philippine General Hospital (PGH).

Sinabi ni Dr. Jonas Del Rosario, tagapagsalita ng PGH, na ang 11 nagbitiw na doktor ay nakatalaga sa Covid-19 ward ng pagamutan at kabilang sa 22 volunteer doctors.

Hindi pa aniya nakakausap ang mga doktor kaya hindi pa niya batid ang maaaring dahilan ng kanilang pagbibitiw.



Ayon kay Dr. Del Rosario, ilan sa nakikita niyang posibleng rason ay pagod narin ang mga duktor dahil sa dami ng trabaho sa PGH at maaaring kàsama narin ang isyu sa sahod.

Paliwanag pa ni Dr. Del Rosario, mabigat ang trabaho sa PGH dahil malulubha ang mga pasyenteng naka-confine sa kanila kaya maaaring gusto na ng mga naturang duktor magpahinga.



Aminado si Dr. Del Rosario na malaking kawalan ang mga umalis na mga manggagamot. Gayunpaman marami pa naman silang doktor na maaaring hugutin sa ibang departmento na papalit sa mga binakanteng puwesto ng mga nagbitiw na duktor.

Idinagdag din ni Dr. Del Rosario na may ilang nurse narin ang nauna nang nag-resign, na ‘yung iba ay malapit naring magretiro.



Nabatid ng Police Files Tonite na ang mga umalis na duktor sa PGH ay hindi na nag-renew ng kanilang kontrata.

Bago ito, kamakailan ay inanunsyo ng St. Lukes Hospital sa Quezon City na marami narin silang nurse na nag-resign.

Kamakailan, ang samahan ng mga duktor at nurses ay nagbanta ng mass resignation matapos mabuking sa CoA Reports ang bilyon bilyong pondo na inipit ng DoH gayong hindi pa ibinibigay sa kanila ang Special Risk Allowance (SRA).