Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 22,820 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Setyembre 9.
Samantala ay mayroon namang naitalang 12,337 na gumaling at 61 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.7% (166,672) ang aktibong kaso, 90.7% (1,960,487) na ang gumaling, at 1.61% (34,733) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 7, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 2.3% sa lahat ng samples na naitest at 2.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19.
Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19. (Andi Garcia)