Advertisers

Advertisers

GM FRAYNA UMAPELA NG SIMPATIYA SA HALIP NA HUSGA

Sa negatibong pinagdaraanan ng PH online chess team...

0 232

Advertisers

Ang pakiusap ay batay sa isinagawang imbestigasyon ng 8-man FIDE panel, napatunayang nandaya ‘violation in rules of fair play’ ang isang batang miyembro ng 12-man Philippine Team kung kaya’t ibinaba ang disqualification ng buong team.

Agad namang umapela ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa FIDE, ngunit ibinasura lamang ito at pinatawan ng suspension sa online gaming ang naturang player ng tatlong buwan, ngunit maari itong makalaro sa over-the-board tournament.

“Masakit po sa amin, higit po sa akin itong nangyari. Nasayang po ang pinaghirapan namin at nayurakan ang reputasyon ng Team Philippines dahil sa pagkakamali ng isang player. Na-DQ na ang team, puro bash pa ang natatanggap namin sa social media kaya, talagang masakit tanggapin,”emosyunal na pahayag ng 21-anyos na si Frayna, ang kauna-unahang Pinay na nakakuha ng GM title, sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ via Zoom ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS)



“Actually, hindi ko personal na kilala yung player. Bata pa kasi siya at hindi ko rin na-experience na makalaro, kaya hindi ko masabi kung ano yung caliber niya sa laro.

Gayunman, as a team pinaghirapan namin yung bawat laro. Nasa podium finish na kami, until this incident happened,” aniya sa program ang itinataguyod ng Philippine Sports Commission, PAGCOR at Games and Amusements Board.



“Huwag na po sana ninyo kaming husgahan. Kami po kasama ng mga beteranong players ang nagsakripisyo ng mahabang taon para makamit namin ang kinalalagyan namin sa ngayon. Suporta po ang kailangan namin, hindi paninira,” ayon kay Frayna.

Tumapos ang Team Philippines sa ikalawang puwesto sa Pool A sa likod ng Indonesia. Batay sa regulasyon, uusad sa TOP Division ang tatlong nangungunang koponan sa pool elimination. Sa pagkadiskwalipika ng Pilipinas, pinalitan sila ng Australia at Shenzhen, China.



Iginiit ni NCFP Secretary General at delegation head Grandmaster Jayson Gonzales na walang timbang ang laro ng naturang player na dahil isang minor ay tumanggi ang opisyal na pangalanan.

“Parang nagpakitang-gilas lang itong player. First time niya kasing maging member ng National Team. Hindi namin inapela yung parusa sa kanya, yung sa team ang hinabol namin, pero yun na talaga ang desisyon ng FIDE,”

Ayon kay Gonzales, binubuo ng scientist at mathematician ang FIDE panel na nagimbestiga kung kaya’t walang kawala ang sinumang gagawa ng pandaraya sa online tournament.

“Mahigpit ang FIDE dyan. Hindi lang tayo, maraming players sa buong mundo ang naparusahan dahil sa pandaraya sa online game,” aniya.