Advertisers

Advertisers

Magdyowang estudyante tiklo sa droga

0 429

Advertisers

ISABELA – Imbes na mag-aral ang magkasintahang estudyante, ang pagbebenta ng iligal na droga ang ginagawa nang mahuli sa buy bust operation ng mga operatiba ng Cauayan City Police Station, Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit sa Barangay Tagaran, Cauayan City.

Sa ipinarating na ulat kay Police Colonel James Melad Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), kinilala ang naaresto na sina Richmond Magaspac, 21 anyos, 4th year college, ng Brgy. District 1, Cauayan City; at Shane Talosig, 20, 4th year college, ng Brgy. Santor, Reina Mercede. Kapwa sila nag-aaral sa Far Eastern University at umuwi lamang sa probinsya dahil sa virtual o online ang kanilang klase.

Nabatid na si Magaspac ay kabilang sa high value target sa droga ng mga awtoridad



Ayon sa PDEA-Isabela, isinagawa ang buy bust 8:45 ng gabi ng Miyekoles, Setyembre 8, sa bypass road sa Brgy. Tagaran.

Nakarekober sa magkasintahan ang isang (1) ziplock plastic na naglalaman ng dried marijuana leaves na may fruiting tops at drug paraphernalias.



Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang sinasakyang van (UIA596) ng magkasintahan.

Samantala, pinabulaanan ng magkasintahan ang ulat ng pulisya. Gawa-gawa lamang daw ito ng mga operatiba. Wala umanong naganap na transaksyon o abutan ng pera at droga sa pagitan nila at ng sinasabing poseur buyer. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">