Advertisers

Advertisers

Private biz group pinasalamatan ni Bong Go… DISKUWENTO SA MGA BAKUNADO

0 393

Advertisers

Sinaluduhan at pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga pribadong negosyante sa pagpapakita ng malasakit sa konsyumer sa pamamagitan ng pamimigay ng diskuwento o anomang maililibreng produkto sa mga “fully vaccinated” na.

“Maraming salamat sa mga pribadong kumpanya sa mga pa-discounts at freebies ninyo para sa bakunadong kababayan natin. Malaking bagay ito para maengganyo natin ang mas maraming Pilipino magpabakuna,” ani Go.

Samantala, muling iginiit ni Go ang kanyang panawagan sa mga kuwalipikado at hindi pa bakunado na magpaturok na laban sa COVID-19.



Idiniin ni Go ang pag-aaral na ang fully vaccinated individuals ay may mas mababang tsansa na mahawahan ng impeksyon o malalang sakit na dulot ng COVID-19.

“Sa ngayon po, naging maganda po ang vaccine confidence na tumataas na. Kahit na noong umiikot ako, tinatanong ko sila noong unang panahon 10% lang po ang nagtataas ng kamay, ngayon po halos kalahati na po dahil nakikita nila na protektado sila sa bakuna, lalong-lalo na po ngayon na merong Delta variant na napakabilis ng transmission four times more contagious po ito,” ayon kay Go.



Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Health, sinusuportahan ni Senator Go ang panawagan sa pamahalaan ng mga negosyante at franchisees na pag-aralan ang posibilidad na magbigay sa fully vaccinated ng insentibo para mahimok ang marami pang Filipinos na magpabakuna.

“Pag-aralan dapat natin nang mabuti ang pagbibigay ng insentibo sa mga bakunado, tulad ng mas maluwag na mga patakaran na ligtas pa rin. Maaaring pwede sila lumabas, makapagtrabaho at makagalaw nang mas konting restrictions pero compliant pa rin sa minimum health standards,” sabi ni Go.



Nitong Martes, mahigit 1,000 negosyo ang naglabas ng manifesto na nagsasabing marami sa kanila ang bumagsak ang pangpinansiya o nalugi dahil sa ipinatutupad na lockdowns.

“Of utmost importance, our employees have families to feed and stable employment is difficult to assure without a clear plan,” batay sa manifesto.

Idineklara ng grupo ang pagsuporta sa panukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na ipatupad ang “bakuna bubble” bilang bagong estratehiya sa pagbabangon sa ekonomiya.

Sa ilalim ng “bakuna bubble”, ang mga COVID-19 restrictions ay irerelaks sa fully vaccinated individuals para muling mabuhay ang ekonomiya at maprotektahan ang hanapbuhay ng maraming Filipino.

“Ito pong bubble system, mas magiging successful ito kapag mas marami na ang bakunado. Kaya katulad ng pakiusap ko sa mga kapwa ko Pilipino, kung eligible na kayo, ‘wag kayo matakot at magpabakuna na kayo. Mas maraming bakunado, mas ligtas ang ating mga pamilya at komunidad,” paliwanag ni Go.

Sa huling report noong Setyembre 13, umaabot na sa 39,142,205 COVID-19 doses ang naituturok sa bansa. Umaabot naman sa 22,063,529 indibiduwal ang nabigyan ng 1st dose habang 17,078,676 Filipino ang fully vaccinated.

Ang daily vaccination rate naman sa bansa ay nasa 395,704.