Advertisers
Arestado ang isang Awol na pulis nang masunog ng apoy ang 80 kabahayan nang magsindi ito ng kandila na ginamit sa paghithit ng droga, Lunes ng hapon, Setyembre 20 sa Cebu city.
Kinilala ang naaresto na si police Staff Sergeant Richard Sumalinog Tagadi-ad, nasa hustong gulang, dating miyembro ng PNP sa probinsya ng Cebu at residente sa F. Salvador Ext., Sitio Labsalex, Brgy. Labangon, Cebu.
Sa report ng Cebu-PNP, 2:39 ng madaling araw nagsimula ang sunog sa tahanan ng suspek sa nasabing lugar.
Dahil gawa lamang sa light materials ang kalahati ng bahay mabilis na kumalat ang apoy at tinupok ang 80 bahay.
Kuwento ng kapitbahay na si Carol Mosqueda, daycare teacher sa Brgy. Labangon, nakita ng iba pa nilang kapitbahay ang suspek na humihithit ng shabu gamit ang kandila.
At pagkatapos habang lango ito sa droga, bitbit ang lighter at nagsiga sa loob ng bahay nito para daw patayin ang mga langgam at agad nang kumalat ang apoy at nasunog ang mga kabahayan.
Sa pagresponde ng mga tauhan ng pamatay-sunog , tuluyang naapula ang sunog 4:13 ng madaling araw.
Wala naman naitalang nasugatan o nasawi sa sunog.
Tinatayang nasa P1.5-M ang halaga ng mga ari-arian tinupok ng apoy at 113 na pamilya ang nawalan ng tahanan.
Kasalukuyang nakakulong sa lock-up cell ng Cebu-PNP ang suspek at nahaharap sa patung-patong na kaso.