Advertisers
KAILANGAN ba kausapin ni Leni Robredo sina Isko Moreno at Mane Pacquiao upang bumuo ng isang mas malakas na hanay ng oposisyon sa 2022? Bahagi ba ito ng paghahanda ng oposisyon para sa 2022? O bahagi lang ito ng plano niya para lubusan na siyang tumalikod sa posibilidad na kumandidato siya sa pangluhan sa halalan ng 2022?
Teka, mukhang lumilinaw na ang tagpo sa 2022.
Lumilinaw ang labanan sa 2022. Mukhang binubuo ang tambalan ni Manny Pacquiao at Isko Moreno. Kung ang aming kaibigan na si Mackoy Villaroman ang tatanungin, mukhang ito and iendoso ni Leni Robredo. Hindi tatakbo si Leni sa pagka-pangulo, ayon kay Mackoy. Bagkus, aasintahin niya ang gobernadora ng Camarines Sur.
Mukhang may patotoo ang aming kaibigan na si Ding Velasco dahil may post siya sa mga poster ni Leni na nagkalat sa Camarines Sur. Ang akala ni Ding, mga poster sa Bulacan at Pampanga ang kumalat ngunit alam namin sa Camarines Sur iyon. Hindi totoo na survey ng grupo ni Leni ng baseline data kung tatakbo siya sa panguluhan. Baseline data ng Camarines Sur iyon.
Itatapat ang tiket Mane-Isko laban kina Bong Go-Rodrigo Duterte ng PDP-Laban (paksyon ni Al Cusi), Ping Lacson-Tito Sotto ng Reporma, at Bongbong Marcos (wala pang katambal) ng Nacionalista Party. Dadalhin si Mane at Isko ng PDP-Laban (Koko Pimentel paksyon) at Aksyon Demokratiko, isang lapian na binubuhay sa 2022.
Hindi namin nakikita kung ano ang papel ng Liberal Party (LP) dahil si Leni ang nagsabi na humina ang LP. Lumalabas na kingmaker si Leni. Mukhang ito ang paraan niya upang umiwas sa pressure ng puwersang demokratiko na tumakbo siya sa panguluhan.
Makakasiguro na hindi dadalhin ng 1Sambayan, ang koalisyon ng puwersang demokratiko, ang tambalang Mane-Isko kahit na iendoso ni Leni. Hindi si Leni ang 1Sambayan bagaman may mga convenor at kasapi na nais na si Leni ang tumakbo.
Hindi totoo ang sabi ni Etta Rosales, isang convenor umano ng 1Sambayan, na pinagpipilian si Leni at Isko ng 1Sambayan. Paano nasama sa usapan si Isko samantalang nagpasabi na siya na huwag isama sa proseso ng pilian. Kalokohan ang sinsabi niya.
Mapipilitan ang 1Sambayan na pumili ng ibang kandidato kung desidido na ayaw tumakbo ni Leni. Hindi oposisyon ang sinuman kay Mane at Isko. Ang tingin sa kanila ng puwersang oposisyon ay pumoposisyon lang.
Natitira si Sonny Trillanes at Grace Poe bilang kandidato ng 1Sambayan. Nagpahayag ng palihim si Grace Poe na hindi siya tatakbo sa pangulo. Kaya malaki ang posibilidad na Sonny Trillanes ang kandidato ng 1Sambayan. Wala na silang ibang mapipili. Hindi pwede piliin ang hindi tatakbo (Leni) at ang hindi kasama sa proseso (Isko).
May tao ang 1Sambayan. Binuo ito noong Enero ng mga ilang haligi ng pwersang demokratiko. Napansin nila na matamlay si Leni na kumilos upang palakasin ang oposisyon. Kailangan may maayos na hanay ang oposisyon kung hindi sigurado si Leni.
Nag-klik ang 1Sambayan. Dahil hanggang ngayon ay hindi sigurado si Leni at kahit wala siyang desisyon, pinaghandaan ng 1Sambayan ang tagpo na iba ang kandidato. Hindi dapat umasa kay Leni ang pwersang oposisyon. Hindi dapat umasa sa mga pekeng oposisyon ang totoong puwersa ng oposisyon ng bansa.
***
HINDI namin alam kung paano haharap ang tambalang Mane-Isko sa sambayanan. Parehong kapos sa kaalaman at hindi kagalingan magsalita. Umid ang kanilang mga dila pagdating sa mga seryoso at may kalaliman na usapin ng bansa.
Para sa kaalaman ng marami, uulan ang maraming tanong sa bawat kandidato sa pangulo at pangalawang pangulo ang mga usapin ng pagpasok ng China sa West Philippine sea at pangangamkam ng China sa ating teritoryo, ang pagsugpo sa pandemaya kung saan mahigit sa dalawang milyong Filipino ang nagkasakit, at ang lumalalang korapsyon sa bansa kung saan nasa P1 trilyon (isang libong P1 bilyon) ang nawawala kada taon sa kaban ng bayan.
Tatanungin sila kung ano ang kanilang paninindigan sa malawakang patayan kaugnay sa bigong digmaan kontra ng gobyerno Duterte. Ngayong nahaharap si Duterte at mga kasama sa kasong crimes against humanity na isinampa ni Sonny Trillanes at Gary Alejano sa kanila, maiging malaman kung ano ang kanilang paninindigan.
Kampi si Mane sa mga EJK at binaluktot niya ang interpretasyon sa mga talata sa Bibliya.
***
MAY komentaryo ang aming kaibigan Roly Eclevia tungkol sa pagiging sugapa umano ni Mane Pacquiao sa pagkamal ng kayamanan. Pakibasa:
Manny Pacquiao’s addiction to wealth
He was congressman and then senator, and yet Manny Pacquiao allowed himself the indignity of being pummeled in the ring.
Was it for love of the sport? Nope. It was for the money. He just couldn’t have enough of it, to satisfy his wife’s luxurious lifestyle and his taste for the good life, acquired when he started getting paid in the millions of dollars in every fight.
Thank God, he couldn’t win the highest office of the land. Imagine the president of the Philippines being knocked out cold because he wouldn’t quit.
He is addicted to wealth. A terrible character flaw in a leader.
*
MGA PILING SALITA: “Kawawa naman ang PDP-Laban being reduced to choosing between Bong Go and Manny Pacquiao as its standard-bearer in the May 2022 presidential election. Nene Pimentel must be turning in his grave.” – Federico Pascual, kolumnista ng pahayagan
“There’s nothing new in what Harry Roque was saying. eventually has long been foreseen by the stakeholders. They have submitted in advance pieces of evidence to the ICC. That was the reason Prosecutor Fatou Bensouda has recommended formal investigation of Duterte et al. Harry Roque is obviously not updated.” – PL, netizen
***
Email:bootsfra@yahoo.com