Advertisers

Advertisers

Epalitik’talk… Pamparampamping!

0 304

Advertisers

TUNAY na mahusay ang mamang ito. Laro sa pulitika minamani lang nito Di mo alam kung kanino ang kiling, Hindi rin batid kung saan ang paling…pamparampampimg… pamparampamping!

Pagiging presidente, kaya niyang ganapin.Pero sa boto siya ay nabibitin.

Sayang na panahon dahil siya daw ay good person.



Hindi raw kurakot , ayaw niya ng pork.

Bilang mambabatas, gusto niya ay patas.Oh kay ganda ng kanyang propaganda.



Bulsa ay pupunuin kung kanyang nanaisin… pamparampamping, pamparampamping!

Estrelya at mga medalya noong siya ay heneral pa.



Nang maging sibilyan siya ay hinangaan.Di nakita ang aninong hunyango

Astig sa plenaryo,siya”y numero uno. sa talakayan di siya masapawan,bida sa imbestigasyon in aid of legislation. Mataas na puwestong muli niyang mimithiin, di na raw puwedeng basta maliitin…pamparampamping, pamparampamping!

Pero nitong mga araw na nagdaan,siya ay napagdudahan malambot sa dilawan,dedma sa pulahan.Akala sa administrasyon siya ay ayon,pero lagi na siyang me pasaring,binibintangan pa ngayon ang kalaban ng plundering, sabi ng mayoryang ayaw ng prutas na balimbing, hindi na sila bilib kay xenpamfing..’Ika naman ng Pangulo..HONEST ka ba mamamgpilo?..sa karara atras ka na rin..tik- TALK na lang daw ang asikasuhin.

PAMPARAMPAM’PING!

Heto pa ang ibang epalitik’talkers na mga abangers… pamparampamprank, pamparampangkiks, pamparampamphoe, pamparamapamflashgooordoon superhilo grandstanding in aid of re-election na rin, parampiskupunaman,paramvivirusing at PAMPARAMPAKYAWIN..tapos ang kanilang BOKSING!