Advertisers
Patay ang isang empleyado ng Provincial Government pamamaril sa Cotabato, Martes ng umaga.
Kinilala ang biktima sa kanyang pangalan na si Musib Asek.
Ayon sa ulat, pinagbabaril ng hindi nakilalang mga salarin ang biktima sa kahabaan ng National Highway ng Barangay Osias sa bayan ng Kabacan North Cotabato, 7:20 ng umaga habang papunta ng trabaho sa Amas Capitol, Kidapawan City.
Sa report, matagal ng empleyado si Asek ng Provincial Government ng North Cotabato.
Inihatid na rin nitong Martes (Sept. 21) sa kanyang huling hantungan ang biktima kasabay ng sigaw na hustisya ng kanyang mga kaanak.