Advertisers
MAHIGIT sa kalahating milyong Pfizer Covid-19 vaccines ang dumating sa bansa mula sa United States of America (USA). Lunes ng gabi
Alas-9:07 ng gabi nang dumating ang 561,600 doses ng Pfizer Covid-19 vaccines sakay ng Air Hongkong flight LD456 sa Bay 116, Terminal 3 ng NAIA.
Ang nasabing mga bakuna, bahagi pa rin ng donasyon ng US government sa Pilipinas.
Kasama sa sumalubong sina Ms. Heather Variava- Charge D Affairs ng U.S Embassy; Ahmadzai Malalay ng Unicef; Stephen Dove Press attache ng U.S. Embassy; Ms. Michelle Lang Alli ng US AID; Usec. Vidal Taino mula sa DOH at Dr. Teodoro Herbosa ng NTF-OPAP
Dinala ang mga bakuna sa storage facility upang mapanatili ang kalidad nito.
Ayon sa NTF asahan ang sunod-sunod na pagdating ng mga bakuna sa bansa ngayong buwan.(Lordeth B. Bonilla)