Advertisers
Anim na miyembro ng New People Army (NPA) ang nasawi habang 14 na baril ang nasamsam sa naganap na engkwentro sa Malaybalay City, Bukidnon at Butuan City, Agusan Del Norte, nitong Lunes.
Ayon kay MGen. Romeo S Brawner Jr., Commander ng 4th Infantry Division, 6:45 ng umaga nang maka- engkwentro ng mga elememto ng Special Forces Teams of 1st Special Forces Battalion ng 403rd Infantry Brigade ang may 15 mga rebelde mula National Operations Command (NOC) ng CPP-NPA, KOMMID, at Regional Operations Command (ROC), Headquarters Forces Neo (HQF NEO), Regional Sentro De Gravidad Compaq (RSDG COMPAQ), at Guerilla Front 89 (GF-89) ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC). sa Sitio Cogon Cogon, Brgy Manalog, Malaybalay City, Bukidnon.
Narekober ng mga sundalo ang 6 AK47 Rifles, 2 M16 Rifles, 3 M653 rifles at 1 caliber .45 pistol.
Inaalam pa n mga otoridad ang pagkakakilanln ng 5 nasawing mga rebelde. Wala naman naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng militar.
Samantala, 3:00 ng hapon ng maka-engkwentro ng pinagsanib na elemento ng of 15SAC, 1SAB, PNP SAF at 65th Infantry Battalion (65IB) ang ‘di batid na bilang ng mga rebelde sa magubat na bahagi ng Brgy. Bugsukan, Butuan City, Agusan del Norte.
Nakilala ang nasawing rebelde sa alias Jimboy miyembro ng Sandatahang Yunin Pampropaganda 21A (SYP21A), GF21, Sub-Regional Committee (SRC) Westland ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).
Narekober ng mga otoridad ang 2 M16 Rifles with magazines, at 1 M203 40MM Grenade launcher.(Mark Obleada)