Advertisers
Pisak ang dalawang binatilyo nang pumailalim ang mga ito sa pick-up truck nang mabangga ang minamaneho nilang motorsiklo, sa Butuan city, nitong Lunes.
Kinilala ang mga nasawi na sina Justin Menendez Hernandez, 17 anyos; at angkas nitong si Hervic Menedez Fernandez, 16 anyos, lalaki, estudyante, kapwa residente sa P-8, Brgy Langkilaan Trento Agusan Del Sur.
Nasa kustodiya naman ng Trento-PNP, ang suspek at driver ng pick-up na kinilalang si Donald Laput Baylen, 60 anyos, at residente sa Barangay 9 Lot 2, CDE Subd. Cabantian Davao City.
Sa report ng Trento-PNP, naganap ang insidente sa national highway -Purok 8 Brgy Langkilaan, Trento Agusan del Sur.
Sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang mga biktima habang minamaneho naman ng suspek ang Nissan pick-up at pagdating sa lugar bigla na lamang nabundol ni Baylen ang mga biktima.
Sa lakas ng pagkakabangga, pumailalim ang motorsiklo at ang mga biktima na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.
Nakatakda naman sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage to property ang suspek.