Advertisers
SUMALANG na sa plenary deliberations ang proposed P5.024 trillion 2022 national budget.
Sa opening statement ni Appropriation Committee Chair Eric Yap na ibinahagi ni Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe, binigyang-diin na ang pambansang pondo para sa susunod na taon ay para ituloy ang social protection services ng pamahalaan sa gitna ng pandemiya.
Kabuuang P3.502 Trillion ang para sa operation ng national government, sa halagang ito, P3.351 Trillion ay programmed new appropriations habang P1.516 billion ang para sa unprogrammed.
Pinakamalaking bahagi ng proposed budget ay para sa social services sa P1.92 trillion o 38.3% ng kabuuang national budget, economic services na may P1.47 trillion, general public services sa P862.7 billion.
Mayroon naman P224.4 billion ang defense sector habang P541.2 billion ang para sa debt burden.
Paglalaanan naman ng P395.59 billion ang COVID-19 response ng pamahalaan.
Unang humarap sa deliberasyon ang DBCC na kinabibilangan ng NEDA, DBM, DOF at BSP. (Henry Padilla)