Advertisers

Advertisers

Pharmally exec Linconn Ong inaresto, kulong sa Senado

0 288

Advertisers

INARESTO na ng Senado si Pharmally Pharmaceutical Corporation director Linconn Ong dahil sa pag-iwas sa pagsagot at bigong maisumite ang ilang financial documents kaugnay sa maanomalya umanong supply deal nito sa gobyerno.

Ikinulong sa gusali ng Senado sa Pasay City si Ong matapos na puntahan ng mga miyembro ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) sa kanyang bahay sa Metro Manila.

“Mr. Chairman, Mr. Linconn Ong is with the OSAA already…. He is already on the way here to the Senate,” pahayag ni Senate President Vicente Sotto III sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee.



“Nagpa-pack na po ako ng gamit. Ide-detain na ako ng Senado. I have to go down in 10 minutes,” wika naman ni Ong sa mga senador sa virtual hearing ng komite.

Nabatid na si Ong ang opisyal ng Pharmally na nagdeliber ng 500,000 face masks sa Department of Budget and Management’s Procurement Service (PS-DBM) noong Marso 2020, isang buwan bago naglabas ng purchase order ang ahensya para sa naturang supplies.



Nagdeliver din ang Pharmally ng dalawang milyong face masks sa PS-DBM bago pa matanggap ang purchase orders mula sa ahensya.

Nilinaw naman ni Ong na walang natanggap ang Pharmally na advance payments mula sa pamahalaan kahit na nakapagdeliber na ng mga supplies.



Matatandaang sa mga naunang pagdinig, napatawan na ng cited in contempt si Ong at dating presidential economic adviser Michael Yang dahil sa pag-iwas umano na sumagot sa mga tanong ng senador. (Mylene Alfonso)