Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
SINAGOT ni Anne Curris ang madalas na tanong sa kanya ng fans kung babalik pa siya sa It’s Showtime at siniguro niya na malapit na itong mangyari.
“Siyempre malapit na. I am just being very cautions din kasi minsan akala ko na nga na babalik na ako, tapos biglang aakyat yung COVID-19 cases tapos napapraning na ako,” pahayag ni Anne sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.
“Dahlia is still quite young pa, I am just being very cautious muna. But soon. Babalik ako for sure yun. Babalik talaga ako for sure,” say pa ni Anne.
Siniguro rin niya na babalik din siya sa pag-arte. Nami-miss na nga raw niya ang paggawa ng serye lalo na ngayon na marami siyang napapanood na mga TV series.
“Nami-miss ko rin talaga umarte. That`s another thing that this time has given me, nakakanood na ako ng napakaraming teleserye and K-dramas and mga Spanish series. I am super into it. When you watch these films and these series, as an actress nagaganahan ako. Nami-miss ko. So I know talaga na babalik ako,” aniya.
Sinabi rin ni Anne na matagal nang napahinga ang kanyang boses kaya magandang-maganda raw ito ngayon.
“I just wanna tell everybody, to all our viewers here, nakapahinga po talaga yung voice ko ngayon. So talagang wait for it. Talagang iba na siya ngayon napakaganda,” say ni Anne na ikinatuwa ni Kuya Boy.
***
Jinkee pinaghahandaan na ang pagtakbong Pangulo ni Manny
SA kanyang Instagram ay sinabi ni Jinkee Pacquiao na buong puso ang suporta niya sa pagkandidatong Pangulo ng mister na si Manny Pacquiao na opisyal nang tinanggap ang nominasyon ng kanyang Partido.
Base sa post ni Jinkee ay hindi raw naging madali ang desisyon ng mister. Nasaksihan daw niya ang araw-araw na pagdarasal para humingi ng gabay sa Panginoon.
“Yesterday my husband has committed himself to enter the Ring to vie for the Presidency of the Philippines. As a wife, I and our children stand beside him wholeheartedly supporting him with our love and prayers and confidence. It has not been an easy decision for him but his heart and love for our country calls him to,” panimulang post ni Jinkee.
“God has put another dream in his heart a Bigger Dream not for himself or our family or our loves – to help them achieve their Best Life. Manny does not confirm to be perfect, be the most learned and skilled but one thing I know and have witnessed. Everybody he calls on our Almighty God seeking his wisdom knowledge and understanding.
“Bilang asawa nakita ko ang pambihirang transformation niya from Glory to Glory. Babe The Lord redeemed you and restored you for this very purpose,” say pa ni Jinkee.
Ayon pa kay Jinkee ay 100% ang ibinibigay niyang suporta sa panibagong laban ng kanyang mister.
“Maraming salamat sa paglaban mo para sa ating pamilya. Ngayon I’m with you 100% as you fight for our country,” mensahe pa ni Jinkee kay Manny.