Advertisers

Advertisers

Kanta ni Golden Cañedo, OST ng bagong Kapuso serye na ‘To Have And To Hold’

0 262

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

TAMPOK sa upcoming GMA primetime series na ‘To Have And To Hold’ ang kanta ni The Clash Season 1 Grand Champion Golden Cañedo na ‘More Than Before.’

Nauna nang napakinggan ang naturang single ni Golden taong 2019. Komposiyon ito ng tanyag na Filipino composer na si Vehnee Saturno kasama rin si Tito Cayamanda.



Si Golden din ang boses sa likod ng ilan pang sikat na original soundtracks ng Kapuso shows na Magpakailanman, Prima Donnas, Kara Mia, at Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday.

Mapapanood na ang To Have and To Hold, na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Rocco Nacino, at Max Collins, sa GMA Telebabad simula September 27.



***

Mikee Quintos pinasaya ang fans sa listening party ng bagong single



HINDI na makahintay ang fans ng Kapuso star na si Mikee Quintos sa kanyang unang single entitled ‘Just Enough’ sa bagong sub-label na GMA Playlist na lalabas ngayong Friday, September 24.

Kagabi ay nagkaroon si Mikee ng exclusive listening party kasama ang ilang fans at talaga namang lalo silang na-excite sa latest single ng aktres.

Si Mikee ang kauna-unahang maglalabas ng awitin mula sa GMA Playlist. Sa kanyang countdown post sa Instagram, obvious na siya mismo ay looking forward na mapakinggan na ito ng lahat, “Too excited to vibe with you all!! 😝#MikeeJustEnough.”

Available na for streaming ang ‘Just Enough’ simula ngayong Biyernes, September 24, sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide!

***

Julie Anne San Jose grateful sa success ng 1st leg ng Limitless, A Musical Trilogy

Nagpapasalamat ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa lahat ng nanood at sumuporta sa first part ng kanyang online show na “Limitless, A Musical Trilogy” na nag-premiere noong Biyernes, Sept. 17, at nag-trend sa social media hanggang kinabukasan.

Sa first part nito na ‘Breathe’, dinala ni Julie ang mga manonood sa Mindanao kung saan hindi lang niya ibinahagi ang kanyang musika kundi pati na rin ang kultura ng local residents na nakasama niya.

Tinuring nga ni Julie na ‘masterpiece’ ang nasabing musical journey produced by GMA Synergy at sana nga raw ay samahan pa siya ng mga concert-goer sa susunod na dalawang leg na ‘Heal’ at ‘Rise.’

“I just finished watching the first part of ‘Limitless, A Musical Trilogy.’ It was a roller-coaster of emotions, same way na roller-coaster ride din ‘yung pinagdaanan namin. It was beautifully captured, everyone really put in the hard work.

This is a masterpiece and I also hope that this is something that can change your life and your perspective. I was able to breathe and rediscover myself once again. My heart is so full right now. Cheers to life, nakahinga na ‘ko. It’s time to heal and rise up. God bless everyone, love you all,” ani Julie sa isang video message.

Congratulations, Julie! Excited na kami sa next leg sa November 20! Buy na kayo ng tickets via www.GMANetwork.com/synergy.