Advertisers

Advertisers

Dalaga, patay sa sagasa ng lasing na sundalo

0 406

Advertisers

CAUAYAN CITY- Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in Homicide ang retired Army na nagmamanehong ng sasakyang bumangga-patay sa isang dalaga sa Provincial Road ng Barangay Ballelleng, Sto. Tomas, Isabela.

Kinilala ang suspect na si Alberto Macaballug Quintana, 52 anyos, may-asawa retired Army at residente ng Brgy. Poblacion, Sto. Tomas, Isabela. At ang biktima kinilalang si Shiela-Ann Cataggatan, 22 anyos, dalaga, residente ng Brgy. Ballelleng, Sto. Tomas, isabela

Inihayag ni Police Major Felix Mendoza, hepe ng Santo Tomas Police Station, na lulan ang biktima ng motorsiklo patungong Hilagang Direksiyon habang ang suspect nagmamaneho ng Mitsubshi Adventure na patungo rin ng north directiton.



Mabagal naman ang takbo ng motorsiklo nang biglang sumulpot ang sasakyan ni Quintana at binangga ang biktima.

Positibo sa nakalalasing na inumin ang suspect nang maganap ang aksidente.



Dinala sa pagamutan ang biktima ngunit binawian ng buhay.

Sinampahan ng kaso ang suspect at nakapaghain ng kanyang piyansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">