Advertisers

Advertisers

I hate Dick

0 690

Advertisers

I hate drugs, “I’m happy to kill 3 million”. Galit ako sa korap, “a mere whiff, tanggal ka.” Galit ako sa mga terorista, “kainin ko pa atay nila, shoot them in the vagina.” Galit din ako sa mga endo lords, “you will not only lose money, you will also lose your pants.”

Siya si Rodrigo Roa Duterte – The Punisher. The 9th Predsident of the Republic of the Philippines. Ang dating ay klasik na warrior o gangster ng wild, wild west. Kung galit lang sa katawan laban sa sino man ang pag-uusapan ay punong-puno siya nito. At baon niya ito mula Davao hanggang Malacanang.

Sa droga ang unang tinamaan ng galit na ito ay ang libu-libong adik, tulak, at mga inosente sa iskinita. Hindi ang mga hindi na kinilalang smuggler na tonelada kung magpasok ng shabu sa customs. Sumunod ay si Leila De Lima na ginawang drug queen sa mga bintang at palabas na hanggang ngayon ay hindi napapatunayan sa korte at kinamatayan na ng halos lahat ng convicted na witness. Kasunod ay ang pag-aresto at pagpatay sa mga “nanlaban” din na aktibista.



Nagpapautuloy pa ang galit na ito. Kamamatayan niya na punong-puno ng galit ang kanyang katawan laban sa lahat ng itinuturing niya na mga kalaban nya at ng estado, totoo man o hindi.

Siya ang “tatay Digong” sa nakalipas na limang taon. Matapang, subalit mapagmahal. Huh?



Yes. Dati kasi ay mahal niya si Dick. Alyado kasi. Magandang cover. Swak sa palabas. Kaya talsik si Matobato at Lascanas sa Pinas. Konting pitik lang kay Faeldon. Lusot si tita Nani. Kulong ang warehouse man. Lusot din si Aguirre matapos ilaglag ang dalawang brad na kumupit daw sa P50 milyong suhol mula kay Jack Lam.

Pero iba na ngayon. Hindi na labs kundi hate na niya si Dick. Paulit-ulit na niya itong dinidikdik ng mga pasaring at banta ng audit. Di bale na sina Drilon at Hontiveros dahil usual suspect naman na sa kanya ang oposisyon.



Sobrang galit niya talaga ngayon kay Dick. At ito ay hindi dahil madali lang siyang magalit. Natural sa kanya iyon. Kakaiba ang galit na ito dahil sa ingay ngayon ni Dick bilang chairman ng Blue Ribbon Committee ng Senado. Na kung dati ay all time monologue sa hearing na siya lang ang lahat, ngayon ay open space na ang mga senador sa hearing ni Dick. Very participative. Hindi na solong bida si Dick.

Dito galit na galit ang inyong tatay dahil gumawa si Dick ng entablado para busisiin ang kapalpakan at anomalya, “the mother of all corruption” sa administrasyong ito. Ayaw ni mayor nang ganun. Gusto nya ang respeto ay habambuhay. Ayaw niyang sinasabihan siya na palpak o korap dahil nasabi na niya noong pang 2016 na hindi siya ganon. Kahit iba na ang totoo ngayon.

Ngayon ay target na niyang hubaran si Dick. At alam naman na natin ang dahilan. Ito ay dahil sa sobrang baho nitong Pharmally anomaly na nauungkat sa Senado na halos ikagiba ng kredibilidad ng administrasyon.

Hindi ako magtataka kung isang araw ay may bombang pasabog ang Palasyo laban kay Dick. Bilyones ang intel fund nila para hanapan siya ng butas. At alam natin na lahat ng mambabatas ay bulnerable sa ganitong atake dahil nasa loob din lang sila ng iisang sistema na ang kalakaran ay tapikan at takipan.

Hanggang sa humantong ang panahon na habang sila ay nasa iisang uri, may kanya-kanya silang mga interes na pinoprotektahan. Narito na tayo sa panahong iyon.