Advertisers
WALANG balak si Manila Mayor Isko Moreno na bumaba sa pagiging Vice Presidential candidate sa ilalim ng United Opposition ticket, kasabay ng pahayag na kung papalarin umano na manalo bilang susunod na Pangulo ng bansa ay nakahanda siyang bigyan ng cabinet post si Pangulong Rodrigo Duterte kung ito naman ang papalaring maging bise-presidente.
Gayunman, panawagan pa rin ni Moreno sa mga Pilipino na kung iboboto siya ay isama na ang kanyang partner na si Dr. Willie Ong, kasabay ng deklarasyon na hindi umano niya papalitan si Dr. Willie Ong bilang runningmate.
Ayon kay Moreno, nananatiling pagka-Pangulo ang kanyang nais na takbuhan sa 2022 elections.
Ayoko ng tsubi-tsubibong buhay. Kaya tayo nagkakandaloko-loko dahil sa flip-flopping,” ayon kay Moreno nang tanungin kung may posibilidad na bumaba siya bilang vice presidential bet.
“We are in a pandemic and people need decisiveness. Our lives get more challenging because of that kind of character (of being indecisive),” giit ni Moreno.
Sinabi din ni Moreno na kuntento.na siya na si Doc Willie Ong ang kanyang running mate.
“I am happy and grateful for Dr. Willie, that he said yes to be my running mate,”ayon kay Moreno kasabay ng paniniyak na hindi ito papalitan ni Senator Grace Poe.
“As far as I know, walang ganun . Wala talaga. Masaya na ako kay Doc Willie. I am very excited, honored being with him. Di ko papalitan si Doc Willie,” dagdag pa ni Moreno.
Ayon kay Moreno ,patuloy silang nakikipag usap sa ibang partido na gusto ng pagkakaisa at kabilang a rin iyong nasa Duterte ddministration. (ANDI GARCIA)