Advertisers

Advertisers

Kaya nga ni Isko na maging Pangulo

0 511

Advertisers

‘PAG siya ang naging Presidente, magpapagawa raw siya ng maraming bilangguan, tulad ng National Bilibid Prisons (NBP), sabi ni Sen. Manny Pacquiao.

Ganundin si VP Leni Robredo na ang dahilan lamang niya kaya tatakbong Pangulo, ay para raw hindi na makabalik sa poder ang pamilya Marcos, at maparusahan si Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Hindi ba si Ma’am Leni ang nagkalat sa ibang bansa ng aniya’y madugong war on drugs ng adminisrasyon, at isa siya sa petitioner na naghabla sa Internation Criminal Court (ICC) para usigin sa crime against humanity si Presidente Duterte?



Benggansa, paghihiganti sa mga kalaban sa politika ang adhika at udyok ng puso ni Pacquiao at Robredo sa pagtakbong Pangulo, hindi ang pagkaisahin, pagbuklurin at palakasin ang mamamayang Pilipino.

Diyan naiiba at natatangi si Yorme Isko Moreno.



Wala sa isip at puso ng alkalde ang benggansa o paghihiganti.

“I would not engage in revenge politics should I win the presidency in the 2022 elections,” sabi ni Yorme Isko.



Kalaboso sa mga kaaway sa politika at mga kritiko ang nasa utak nina Manny at Leni, pero si Isko, wala siyang balak na iselda sa piitan ang mga kaaway.

Kung may kasalanan, hahayaan niya ang hukuman ang umusig at magpakulong kung mapatunayang nagkasala nga.

Iba nga kung mag-isip si Yorme, kung may pananagutan, husgado, hindi siya magtutulak sa pag-uusig.

Hindi niya aabusuhin ang poder ng Panguluhan, aniya: “Kapag may pananagutan ka, haharap ka sa husgado… pero in my leadership, no abuse will come to you.”

Kasi nang interbyuhin si Yorme, ang tanong ay lumilinya sa pag-uudyok na maging mapaghiganti — ayaw niya na mangyari.

“Ang gustong-gusto marinig nung iilan, ipakulong nang ipakulong nang ipakulong. Hindi ba kayo napagod really?”

E, nagsisiksikang parang sa lata ng sardinas ang mga nakapiit gawa ng galit na personal at politika.

“Healing President” ang siyang nais na maging ni Isko; hindi mapanlait, hindi mapang-abuso at mapaghiganting Pangulo.

Pagkakaisa ang gusto ni Moreno, hindi pagwawatak-watak kungdi pagpipisan sa mahigpit na pagbubuklod sa iisang adhika, ang kaunlaran at katahimikan sa bansa.

“Yung paghihigante, galit dito, after ng isang administrasyon, sisisihin yung isang administrasyon, magpapakulong na naman, that’s not me,” sabi ni Yorme Isko.

Pruweba, sabi niya, nang manalo siya nitong 2019, nakiisang-palad siya sa mapayapang pagkakasundo sa mga katunggaling dating President Erap Estrada at namayapang si Manila Mayor Alfredo Lim.

Ipinangalan nga ni Yorme kay Mayor Lim ang isang ospital sa Maynila, ating maaalaala.

Kaya ba ni Yorme Isko na mapagkaisa ang bansa?

***

Makakaya at magagawa ito ni Yorme Isko, sabi ng mga supporter niya.

Pansinin ang nagawa niya sa Manila City Council na siya lamang sa mga naging punonglungsod ang nagawang mapagkaisa ang lahat ng konsehal sa Sanggunian.

Sabi nga ng mga nakausap natin na beteranong mamamahayag sa Maynila, for the first time, walang gaanong iringan at upakan sa deliberasyon ng mga panukala at programa ni Yorme Isko.

Sa loob ng mahigit na 30 taon, si Isko lamang ang alkalde na nagawang mapag-isa ang intensiyon ng maayos na paglilingkod sa Manilenyo ang mga miyembro ng Konseho.

Natural may gusot, may debate, may paliwanagan sa Konseho, pero agad-agad, nalulutas, napaplantsa, sabi nga, ito ay dahil sa mahusay na pakiusap, paliwanag at karisma ni Yorme Isko.

Kaya nga, mabilis na napopondohan ang mga programa at proyekto na nais ni Yorme sa Maynila.

Kaya sa loob lamang ng mahigit dalawang taon, ang daming magagandang programa at proyekto ang nagawa ng administrasyong Isko Moreno-Honey Lacuna — na parang nakadalawang termino na sila, kasi nga, kumikilos ang lahat na parang iisang tao.

At nagawa at patuloy na nagagawa ni Yorme Isko, kasi napasusunod niya ang mga opisyal at kawani ng cityhall sa mahusay na serbisyong Manilenyo.

Pruweba ito, sabi nga ng maraming netizen na may kapasidad nga, may karapatan nga, may talino nga si Yorme Isko na magbigay ng bagong pag-asa sa mga Pilipino.

Kung siya ay maihahalal na Pangulo sa 2022 May elections.

Pwedeng-pwede, Ikaw NaISKO sa 2022!

Pilipinas, God First!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.