Advertisers
Nakaligtas ang anim na crew members ngunit ang pitong kalabaw at apat na baka namatay nang malunod sa lumubog na motorbanca.
Hinila naman ng Philippine Coast Guard (PCG) ang motorbanca, Kenn Stephamie sa karagatan sakop ng Pandan Island, Sablayan, Occidental Mindoro
Ayon sa PCG, patungong San Jose Occidental Mindoro ang motorbanca mula Coron, Palawan nang makasagupa ang malalaking alon at malakas na hangin ang arko at lumubog ito.
Matapos mahila ng PCG ang motorbanca, nakipag-ugnayan naman ito sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Environment and National Resources Office (MENRO), at ang Municipal Veterinary and Sanitary Inspector para sa tamang disposisyon ng mga patay na hayop.(Jocelyn Domenden)