Advertisers

Advertisers

P68m shabu nasamsam 2 tulak sa Las Piñas

0 303

Advertisers

Nagkakahalaga ng P68 million shabu ang nasamsam ng mga elememto ng Philippine Drug Enforcement Agency at pagkakadakip sa dalawang drug suspek sa magkahiwalay na buy bust operation sa Las Piñas City.

Kinilala ang nadakip na si Jealal Shaikalabi Mimbalawag, 23, ng Quiapo, Manila; at Arabilla Leono y Jamoram, 29-anyos.

Ayon kay PDEA Dir Gen Wilkin Villanueva, sa unang buy bust operation isinagawa 5:00 ng hapon sa C5 Extension, Brgy Manuyo I, Las Piñas City.



Nasamsam kay Mimbalawag ang 5 kilos ng shabu na nagkahalaga ng P34 million at mark money.

Sa follow up operation, isinagawa ang buy bust sa Countryhomes, Woodsrow-1, Talon Dos, Las Piñas City.



Nakumpiska naman kay Leono ang 5 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P34 million, mark money at isang sasakyan gamit ng suspek.

Dinala ang mga nasamsam na droga sa PDEA Laboratory Service upang isailalaim sa analysis habang nasa kustodiya ng PDEA Jail Facility ang dalawang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 otherwise known as “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.(Mark Obleada/Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">