Advertisers

Advertisers

PH women’s team umalis na patungong Thailand

0 527

Advertisers

UMALIS na kahapon Martes ang dalawang Philippine womens team na katawanin ang bansa sa Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Thailand.

Inanunsyo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na ang dalawang pangkat — Team Rebisco at Team Choco Mucho — ay tinapos ang kanilang training camp sa Lipa City matapos ang isang buwan na preparasyon para sa club tournament.

Ang women’s team ay tampok ang 24 athletes,eight coaches at isang referee.
Veteran middle blocker Aby Marano ang team captain ng Team Rebisco, habang ang Brazilian consultant Jorge Souza de Brito ang head coach.



Samantala, setter Iris Tolenada ang skipper ng Team Choco Mucho, habang si national head coach Odjie Mamon ang kukumpas sa squad.

Ang team ay sasabak sa AVC club championship sa Nakhon Ratchasima mula October 1 to 7.



Ang men’s volleyball team, ay matatapos ang kanilang training camp sa Lipa City ngayon Linggo bago lumipad patungong Thailand sa Octobre 4.May 18 players ang men’s team, seven coaches at isang referee.

Si Dante Alinsunurin ang gagabay sa men’s team na dadalhin ang Team Rebisco banner, na si Jessie Lopez ang magsilbing team captain.



Ang Asian Men’s Club Volleyball Championship ay nakatakda mula October 8 to 15, sa Nakhon Ratchasima.

Gagawin ng PNVF ang official send-off para sa three teams sa Sabado sa De La Salle Sentrum sa Lipa City.