Advertisers

Advertisers

Negosyante, binaril-patay sa SoCot

0 443

Advertisers

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Polomolok PNP kaugnay sa nangyaring pamamaril sa isang negosyante sa National Highway, Purok 1, Brgy. Crossing Palkan, South Cotabato.

Kinilala ni PLt. Reden Cuevas, deputy chief of police ng Polomolok, ang biktima na si Rodolfo Dela Reyna, 59 anyos, at residente sang Prk 15, Brgy Polonuling, Tupi.

Ayon sa ulat, bibili sana ng pinya si Dela Reyna at ikakarga ito sa kanyang topdown, ngunit bigla siyang binaril ng hindi pa nakilalang mga salarin.



Kaagad itong isinugod ng mga kasapi ng MDRRMO sa Polomolok Municipal Hospital ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan nito.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng kalibre 45.



Ayon kay Cuevas, marami silang tinitingnang mga anggulo kung bakit binaril-patay ang nasabing biktima.

Sa ngayon, nagsasagawa na sila ng follow-up operation upang mahuli ang mga salarin sa pamamaril.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">