Advertisers

Advertisers

Kandidato ‘wag makipagsabwatan sa sindikato ng droga – PNP

0 269

Advertisers

Nagbigay ng babala si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa mga kandidatong nakikipagsabwatan sa mga sindikato ng iligal na droga para matiyak ang kanilang pagkapanalo sa susunod na taon.

Ang babalang ito ni PNP chief, dahil sa posibilidad na pondohan ng mga sindikato ng iligal na droga ang kampanya ng ilang kandidato kapalit ang proteksyon sakaling palaring manalo kung saan ilan sa mga nahahalal na lokal na opisyal, nahuhuli dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Inihalimbawa ni Eleazar ang kaso ng alkalde sa Quezon Province na naaresto noong 2001 dahil sa pagbibiyahe ng halos 500 kilo ng shabu gamit ang ambulansya at ang pinakahuling insidente nitong Hunyo kung saan isang alkalde sa Maguindanao ang naaresto dahil sa pag-iingat ng mga armas at mahigit P200,000 halaga ng iligal na droga.



Babala ni PNP chief sa mga ito na siya mismo ang mag-e-expose at mangunguna sa pagsasampa ng disqualification at mga kaukulang kaso kapag nakakalap ng sapat na ebidensya.

Batay sa ulat ng PNP, mula 2016, aabot na sa mahigit P64 bilyong halaga ng shabu ang nasasabat habang 307,521 illegal drugs personalities kabilang na ang 3,244 High-Value Targets, ang naaresto sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga.



Inatasan ni Eleazar ang Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at Intelligence Group (IG) na paigtingin ang kanilang pagmo-momitor at kampanya kontra illigal na droga.

Noong isang buwan, nakumpiska ng iba’t ibang law enforcement agencies sa kanilang operasyon sa pamumuno ng PDEA at PNP ang mahigit P5.5 bilyong halaga ng shabu at pagbagsak ng 11 big-time drug traffickers kasama na ang pangunahing contact ng isang international drug syndicate sa serye ng operasyon sa Zambales, Bataan at Cavite.



Isinaad ni Eleazar na sunud-sunod na ang matagumpay na operasyon laban sa droga at inatasan nito ang mga police commanders down to the city and municipal level na lalo pang paigtingin ang kampanya sa pamamagitan ng regular updating ng mga dati at mga bagong drug personality sa kani-kanilang lugar.(Mark Obleada)