Advertisers

Advertisers

Mga preso pinasok na ang online selling

0 285

Advertisers

Pinasok na rin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Sorsogon ang online selling para matulungan ang mga bilanggong maibenta ang kanilang gawang produkto.

Naapektuhan kasi ng pandemya ang kanilang kita.

Kabilang sa mga ibinebenta ng mga bilanggo sa kanilang website ang mga native products, wallets na gawa sa beads, baskets, tissue holder, at face mask na ilan lang sa kanilang mga ginagawa.



At dahil malapit na ang Pasko, gumagawa na rin sila ng mga parol na may iba’t ibang hugis.

Dahil sa pandemya naapektuhan na rin ang kanilang pagbebenta kaya pinasok na rin nila ang online selling.



Ayon kay JCInspector Rodolfo Verzosa, jail warden ng BJMP Sorsogon, na hindi na sila nagdalawang isip na pasukin ang online selling para tulungan ang mga nakakulong na kumita kahit na nasa loob ng piitan.

Sinabi ni Verzosa, na ang ilan sa mga preso wala naman mga relatives sa labas upang tumulong sa mga ito na i-market ang kanilang mga gawa. At walang face to face na dalaw kaya kailangan ang online technology.



Mula P40 hanggang P950 ang presyo ng kanilang mga produkto at ‘di kasali dito ang delivery fee.

Marami na kustomer ang mga preso mula Bulacan, Eastern Visaya, Masbate at Metro Manila.

Bukod sa sarili natutulungan din ng mga bilanggo ang kanilang mga pamilya kahit halos isang taon na silang hindi nabibisita dahil sa paghihigpit bunsod ng banta ng Covid-19.

Dito na rin kumukuha ang mga preso ng pambili ng kanilang mga basic needs at kapag may sobra nagpapadala pa sila sa kanilang mga pamilya.

Ang mga tauhan ng district jail ang nangangasiwa ng pagpapadala ng mga inorder na produkto upang matiyak na walang iligal na transaksyon na magaganap.

Hiniling ng BJMP at mga bilanggo ang suporta ng publiko dahil malaking bagay ito para sa kanila at lalo pa’t papalapit na ang Pasko.