Advertisers

Advertisers

P4.7M puslit na gulay nasabat sa Tondo

0 220

Advertisers

Sinalakay ng Bureau of Customs ang tatlong tindahan ng mga gulay sa Carmen Planas Street, Tondo, Maynila.

Nalaman na target ng operasyon ang nasabing mga tindahan na nagbebenta ng puslit na gulay.

Nadiskubre sa pamamagitan ng poseur buyer ang kahon-kahong mga carrot, broccoli, at iba pang gulay tulad ng bawang, sibuyas, at luya ang nakuha sa mga tindahan.



Isa ang carrots sa sinasabing iligal na ipinuslit sa bansa at binibenta sa mga pamilihan

Kumpara sa local carrots, ang imported makinis at mahahaba.



Tinatayang aabot sa P 4.7 milyon ang halaga ng nakumpiskang imported na gulay.

Wala namang maipakitang dokumento tulad ng import permit at pagbabayad ng buwis ng imported na produkto ang mga stall owner nang hingan ng mga otoridad



Pinag-iingat naman ng Department of Agriculture (DA) sa publiko sa pagbili ng mga imported na gulay dahil hindi tiyak ang ginamit na pesticide at formalin content ng mga imported na gulay na kanilang nabibili sa palengke.

Bukod dito, wala ring ibinibigay na imported permit sa mga imported na gulay para ibenta sa palengke. (Jocelyn Domenden)