Advertisers
Dead on arrival nang sakmalin ng buwaya ang isang binata sa So. Calogcog Barangay Ramos, Balabac, Palawan nitong Oktubre 2, 2021.
Ang biktima isang 15-anyos na menor de edad, mangingisda, at residente ng Bgy. Salang, Balabac, Palawan.
Ayon sa ulat, habang ang biktima kasama ang isa pang nangingisda nang biglang sumulpot ang buwaya at sinalakay sila.
Mabilis silang umakyat sa bangka, ngunit sa kasamaang palad, nakagat ang biktima sa ulo at lumubog sa tubig at nalunod.
Narekober ang biktima, 9:19 ng Oktubre 3, 2021 sa tulong ng mga mangingisda sa lugar, nagtamo ang biktima ng sugat sa kanyang ulo at idineklarang patay ng kanyang attending physician.