Advertisers

Advertisers

Grab drayber, 2 pa tiklo sa marijuana at shabu

0 428

Advertisers

ARESTADO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Grab drayber nang makumpiskahan ng marijuana habang dalawa pa ang naaresto na tulak ng shabu sa isinagawang magkasunod na buy-bust operation nitong Martes ng gabi (October 5) sa nasabing lungsod.

Sa unang operasyon nadakip ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) si John Kyle Villas, 22 anyos, residente ng HR Ocampo, UP Diliman, Q.C.

Sa ulat, 10:20 ng gabi nang ikasa ang drug operation sa Scout Dr. Lascano corner Scout Torillo, Brgy. Sacred Heart, Q.C.



Nakumpiska mula sa suspek ang apat na bricks ng marijuana na tumitimbang ng 1.5 kilo na nagkakahalaga ng P180,000, cellular phone na gamit sa pakikipagtransaksyon sa kanyang mga parokyano, Honda Click na may plakang 825UBS at buy-bust money.

Samantala, 11:45 ng gabi nang ikasa ng Project 4 Police Staion 8 ang buy-bust operation sa Conchu St. corner J.P. Rizal St., Brgy. Masagana, Project 4, Q.C. kung saan dalawang tulak ng shabu ang nadakip.

Kinilala ni PS8 commander ang mga suspek na sina Melanie Grefaldo, 43 anyos, nakatira sa Pagrai Hills Subd., Brgy. Mayamot, Antipolo City at Rowell Mendoza, 27, ng Maguindanao St., Park 2-A, New Lower Bicutan, Taguig City.

Narekober mula sa dalawa ang 30 grams ng shabu na may halagang P204,000, dalawang cellular phone at marked money.

Nakapiit na ang mga suspek at kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">