Advertisers
Inendorso ni Batangas Governor Hermilando Mandanas ang kandidatura ni Senator Christopher “Bong” Go bilang bise presidente sa 2022 elections, sa pagsasabing dahil ito sa malawak o higit 20-taong serbisyo ng senador sa lokal at pambansang lebel na pamahalaan na makatutulong para maiahon ang bansa sa mga krisis.
Sa kanyang liham, binanggit ni Mandanas ang mga naging legislative achievements ni Go, partikular na ang Malasakit Centers Act of 2019 upang magkaroon ng access ang bawat isa sa abot-kayang health care at nakatulong sa mahigit nang 3 milyong mahihirap at indigent patients na nabigyan ng medical treatments at libreng serbisyo.
“You truly [personify] the essence of public service. And you have already shown your commitment and capabilities since you worked in the local and national government with then Mayor and now President Rodrigo Roa Duterte. And also your legislative work for the last three years is nothing short of outstanding,” ang sabi ni Mandanas.
“The results of your public service are testaments to your concrete advocacy of a more responsive and inclusive governance, making sure that government services cater to local needs. I can attest that you are a real champion of the masses,” idiniin ng gobernador.
Inihayag din ng gobernador ang malugod niyang pagpapasalamat, sa ngalan ng buong probinsiya, sa mga nagawa ni Go bilang chairman ng Senate Committee on Finance sa iba’t ibang infrastructure initiatives, pagsisikap na makahikayat ng mamumuhunan at sa iba pang proyekto para makabangon ang lalawigan sa epekto ng mga kalamidad at krisis sa mga komunidad.
Partikular na pinasalamatan ni Mandanas ang senador sa pagsuporta nito sa implementasyon ng Supreme Court ruling noong 2018 na nagpalawak sa source ng allotment ng local government units sa lahat ng national taxes, hindi lamang sa national internal revenue taxes.
Ang increase sa pondo ay inasahang magsasaayos ng paghahatid ng basic services sa local level. Ang nasabing ruling ay isinagawa base sa petisyong inihain ni noo’y 2nd District Representative Mandanas noong 2012.
Nangako naman si Go na patuloy niyang ipaglalaban ang interes ng mga Filipino at bilang isang Batangueño mismo o adopted son ng Southern Tagalog Mainland ay susuportahan niya ang long-term development sa rehiyon.
“Sa mga minamahal kong kababayan, maraming salamat po sa patuloy na paniniwala at suporta ninyo sa amin ni Pangulo at sa buong administrasyong Duterte,” sabi ni Go.
“Patuloy nating iparamdan sa bawat sulok ng bansa ang mga magagandang programa at pagbabagong inumpisahan at ginagawa ng administrasyong ito,” aniya.
Noong 2019, ang mga lider ng limang probinsiyang bumubuo sa CALABARZON ay nagkaisa sa paglalabas ng manifesto na nagdedeklara kay Go bilang adopted son ng rehiyon. Si Go na may dugong “Tesoro” ay nagmula sa Batangas.