Advertisers
MAGIGING running mate ni vice presidential aspirant Senator Christopher “Bong” Go si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na kakandidato namang pangulo sa 2022 national elections matapos maghain ng Certificate of Candidacy sa Sofitel Harbor Garden Tent sa Pasay City noong Biyernes.
Sinabi ni Go na nagdesisyon ang PDP-Laban na isabak si Senator Dela Rosa bilang presidential candidate nito, sa pagsasabing ang Bato-Go tandem ay party decision na siyang titiyak sa continuity ng mga programa at vision ng Duterte administration.
“Desisyon po ‘yon ng partido, and of course more than capable po si Bato bilang isang kandidato, bilang pangulo. Binoto po ‘yon ng tao, pinili rin po ng tao, magkasabay nga po kami,” paliwanag ni Go.
Ayon kay Go, committed sila na maipursige ang positibong pagbabago na nasimulan ni Pangulong Duterte upang mabigyan ng higit nakomportableng buhay ang bawat Filipinos, lalo ang mga nangangailangan, mga helpless at hopeless sectors ng lipunan.
“Sinabi ko naman po noon kung sino ‘yung makapag-offer ng nearest sa continuity ng mga programs ng ating mahal na Pangulo, yun ang prayoridad natin dito — ang maipagpatuloy ang mga magagandang nagawa ng Duterte administration,” idinagdag niya.
Bilang vice presidential aspirant, iginiit ni Go na handa siyang makatrabaho kahit na sinong ihahalal ng taongbayan na bagong pangulo.
“Gaya ng sinabi ko, nearest po doon sa continuity na inaasam natin. I can work with anyone, kahit sino pa ‘yan. Basta ipagpatuloy po ‘yung mga magagandang programa ng ating mahal na Pangulo. Iyon po ‘yung pinakaimportante, ‘yon po ‘yung hinahanap ng tao sa ngayon eh,” sabi ni Go.
“Ano po ‘yung buhay natin pagkatapos ni Pangulong Duterte? Kaya nga hinahanap natin kung puwede nga lang bigyan pa natin ng bagong termino ang ating Pangulo pero sabi niya matanda na po siya at bawal po sa Konstitusyon na for another term. So ang inaasam natin is ‘yung makapagpatuloy po ng kanyang magagandang programa,” idinagdag ng senador.
Kung mahahalal na pangalawang pangulo, ipagpapatuloy ni Go ang kampanya laban sa korapsyon sa gobyerno, kampanya laban sa kriminalidad at kampanya laban sa iligal na droga.
“More Build Build Build projects, mga libreng edukasyon, at libreng pagpapagamot, paigtingin pa natin, pagandahin pa natin at tulungan po natin…unahin po natin ‘yung mga mahihirap – ‘yung walang matakbuhan, ‘yung mga helpless, mga hopeless po na mga kababayan natin na umaasa po sa gobyerno,” patuloy niya.