Advertisers

Advertisers

Hamon ng sindikato!

0 581

Advertisers

LANSAGIN, arestuhin at kasuhan ang mga personalidad na sangkot sa droga at iligal na sugal!

Ito ang matinding babala ni PNP Region 4A director, PBG Eliseo DC Cruz sa kanyang mga provincial director sa CALABARZON area. Binubuo ang CALABARZON ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Agad namang tumalima sa direktiba ni RD Cruz sina Batangas PNP Provincial Director, P/Col. Glicerio Cansilao at Laguna PNP Provincial Chief, P/Col. Serafin Petalio at karakang nagsagawa ng mga pagsalakay ang kanilang mga operatiba sa mga safehouse at rebisahan ng Small Town Lottery bookies na pinaghihinalaang bukod sa jueteng den ay gamit pang drug haven sa mga nasabing lalawigan.



Maging ang mga police operative ng Regional Special Operation Unit ( RSOU) PNP Region 4A police office na nakabase sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna sa ilalim ni PLtCol. Chito B. Macaspac ay inatasan din ni RD Cruz na maglunsad ng pinatinding Region-wide anti drug and illegal gambling drive.

Wala pang ulat sa hinggil sa naging aksyon ng mga PNP Provincial director ng mga probinsya ng Cavite, Rizal at Quezon.



Ito ang kagalingan sa hanay ng kapulisan na mayroong isang General Cruz at mga tapat na opisyales nitong tulad nina Kernel Cansilao at Kernel Petalio.

Reaksyunaryo si RD Cruz, kapag may nakarating ditong sumbong at mapananaligang impormasyon ay agad itong umaaksyon. Kaya di nakapagtatakang pagkatiwaan siya ni PNP Director Gen. Guillermo T. Eleazar at ng PNP hierarchy na pamunuan ang CALABARZON PNP.



Ang pagiging “action general” nina PNP Cief Eleazar at RD Cruz ang naisalin naman ng mga ito kina Kernel Cansilao at Kernel Petalio.

Sa unang ratsada pa lamang ng pinag-ibayong kampanya ng pinagsanib na tropa ng Batangas Provincial Police Office sa ilalim naman ni Batangas Intelligence Chief, P/Major Neil Gaspar at RSOU ay umaabot na sa humigit-kumulang sa 20 suspek na sangkot sa iligal na pasugal ang nasakote ng kapulisan.

`Ang mga suspek ay naaresto sa mga serye ng raid sa Tanauan City, Sto Tomas City at mga bayan ng Padre Garcia, Malvar at Cuenca.

Hindi maglulubay ang pulisya hangga’t di nasusupil ang iba pang mga ilegalista sa rehiyon, ayon pa kay RD Cruz.

Ngunit palibhasa’y likas na kilala sa katigasan ng ulo, kakapalan ng mukha at halang ang kaluluwa ng maraming drug/gambling operator sa Batangas kaya “kahit sa gusot ay nagpapalusot”.

Katunayan, kahit pa nga mainit ang kampanya ng kapulisan kontra-droga at sugal ay marami pa rin sa mga ito ang nagpapatuloy sa operasyon ng kanilang labag sa batas na hanapbuhay.

Katunayan sa bayan ng Padre Garcia ay parang “pitik at tumalbog lang sa goma” ang police operation kamakailan laban sa rebisahan ng jueteng sa Poblacion Padre Garcia.

Makalipas lang ang isang araw ay tuloy na naman ang pajueteng ng mga drug/gambling operator doon na sina alias Kap Idol at alias Kap Tisoy.

Hindi malaman kung bakit nakakalusot sa pang-amoy nina Padre Garcia Police Chief, P/Capt Eduardo Timbol II at re-electionist Mayor Celsa Braga ang operasyon ng mga notoryus na gambling at drug maintainners sa kanilang hurisdiksyon?

Nagtataka din ang maraming mamamayan ng nabanggit na munisipalidad kung paanong nakakagalaw ang sindikatong pinamumunuan nina alias Kap Tisoy at alias Kap Idol sa pinaka-pusod pa naman ng Poblacion na di nakakarating sa kaalaman ni Chairman Antonio Aguila?

Kung totoong nakalulusot ang operasyon ng jueteng nina alias Kap Idol at alias Kap Tisoy sa barangay na saklaw ni Chairman Aguila, di malayong makalusot din nga sa kanya ang pinaniniwalaang iligal na paniningil ng garbage collector doon bilang bayad sa paghahakot nito ng basura mula sa barangay patungo sa kanilang dumping site?

Kung tawagin ito ng mga residente at establishment owner doon ay “basura fee”. Only in the Philippines talaga nagaganap ang sistemang ito?

Liban sa rebisahan ng jueteng sa malapit pa naman sa PCSO Branch sa Poblacion Padre Garcia, nagrerebisa din ng taya sa jueteng sa bahay ng alias Kap Boyet sa Brgy. Banaba.

Ang bahay naman ng isang alias Rayner at isang alias Marlon na kapwa kilalang tauhan din nina alias Kap Tisoy at Kap Idol ang itinurong jueteng dens sa Villa San Miguel Subdivision sa Brgy. San Miguel ng nasabi ring bayan.

Ibat-ibang mukha ng tao ang malimit nakikitang nagtutungo sa mga nasabing gambling joint, na nagpataas ng espekulasyon na gamit na bentahan din ng shabu ang naturang iligal na pasugalan?

Sa bayan ng Ibaan isang alias Roceo at alias Acebo ang may mga rebisahan kapwa ng jueteng.

Kaya panawagan ng ating mga KASIKRETA kina RD Cruz, PD Cansilao at Major Gaspar, paki-sampolan nyo sina alias Kap Tisoy, alias Kap Idol, alias Boyet alias Rayner at Marlon ng Padre Garcia.

Kailangang ipaaresto din sina alias Timmy na nagpapa-jueteng pa din sa Brgy. Balibaguhan sa Munisipalidad ng Mabini samantalang sina alias Roceo at Acebo naman ang nagpapatakbo ng jueteng joints sa bayan ng Ibaan.

Kanino kaya humuhugot ng lakas ng loob itong si alias Timmy, gayong hayag naman na mas lalong pinaigting ang anti-gambling at anti-drug drive ng kapulisan, ay nakapaglagay pa din ito ng rebisahan ng jueteng sa Brgy. Ilat at sa Brgy. Poblacion, sa San Pascual na di kalayuan lamang sa himiplan ng San Pascual Police Offices. Hinahamon talaga ng mga ilegalistang ito ang ating kapulisan.

Malamang na may kalagyan sina Padre Garcia Police Chief P/Capt. Eduardo Timbol II, Mabini Police Chief, P/Maj. John Albert Rongavilla, San Pascual Station Commander, P/Maj. Eric B. Antonio at P/Maj. Luisito Limbo ng Ibaan kapag nakarating ang mga kabulastugang ito kina RD Cruz at PD Cansilao?

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com