Advertisers

Advertisers

Malalaking labor group at iba pa, kay Isko na rin

0 608

Advertisers

MULING nadagdagan ang malalaking grupo na buong tapang na nagpahayag ng buong tiwala at pag-asa na tanging si Manila Mayor at Aksiyon Demokratiko standard bearer Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso lamang ang makatutugon sa maraming problema ng bansa.

May kahanga-hangang abilidad at kakayahan at karanasan si Isko, sabi ng Philippine Trade and General Workers Organization (PTGWO) upang muling mapalakas ang paglikha ng maraming trabaho sa maraming manggagawang Pilipino.

Hindi matatawaran ang lakas ng pagkakaisa ng PTGWO na may mahigit sa 100,000 indibidwal na miyembro at kaugnay ng pambansang samahan ng mga obrero – ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).



Naipakita ni Yorme Isko, sabi ng PTGWO, ang ‘exceptional leadership’ nito sa maagap na kilos laban sa pandemyang Covid-19 nang maitala ang Maynila na may pinakamaraming mamamayan na nabakunahan, at mabilis na pagkatayo ng isang Covid hospital sa maikling panahon lamang.

Walang hirap at abala na natatanggap ng Manilenyo ang kanilang ayuda at nagawa ni Isko, dagdag na pahayag ng PTGWO, nabigyan ni Yorme ng pabahay ang maraming mahihirap na residente ng siyudad.



Iba pang grupo ng mga manggagawa na lantaran na ang paghikayat na suportahan si Moreno ay ang National Association of Trade Unions (NATU), All Filipino Workers Confederation (AFWC), ang Association of Minimum Wage Earners and Advocates (AMWESA), at 1-Pangarap Pilipinas.

Ayon sa mga lider ng samahang ito, nakumbinsi sila na kampihan si Yorme Isko dahil sa hangad nitong mapagkaisa ang diwa at isipan ng mga Pilipino at paglalapat ng hustisya, ayon sa mata ng batas.



Binubuo ang mga grupong ito ng daan libong manggagawa sa halos lahat ng industriya sa buong bansa, tulad ng sa sektor ng transportasyon, petrolyo, bangko, minahan, pagkain, brewery, elektrisidad, tubig, konstruksiyon, tubig, pagawaan ng damit at tela, manggawang bukid at pabrika, overseas Filipino workers (OFW) at business process outsourcing (BPOs).

Ipinarating ng mga grupong ito ang matinding hinanakit sa hindi maayos at mahigpit na pagpapairal ng quarantine protocols at lockdowns at ang masaklap na epekto nito ay ang pagkawala ng trabaho at hanapbuhay ng maraming empleyado at manggagawa sa buong bansa.

Nakita nila, sabi ng mga convernor ng samahang ito, ang matapat na paglilingkod ni Isko sa taumbayan at ang malaking pag-asa na maitataas nito ang seguridad sa trabaho at kabuhayan ng mamamayang Pilipino.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot na sa 7.7 porsiyento ang dami ng nawalan ng trabaho noong Mayo at Hunyo, at nasa 8.7 porsiyento noong Abril; 8.8 porsiyento noong Pebrero at 8.7 porsiyento noong Enero at pinakamababa ay 7.7 porsiyento noong Marso.

Nasa 3.76 milyong kabataang 15-anyos pataas ang tambay lamang noon Hunyo 2021, kumpara sa 3.73 milyong kabataan noong Mayo 2021.

Ganyan kabigat ang problema ng bansa na kailangang malutas ng susunod na lider ng bansa, at naniniwala ang mga samahang ito, malulutas ito, kung si Yorme Isko ang mahahalal na pangulo sa 2022.

Inihalimbawa nila ang nagawa at patuloy na ginagawa ni Mayor Moreno sa Maynila – at kung gayon, maipupunla sa isip ng madla na magagawa rin ito ni Isko sa buong bansa kung tutulungang maiakyat ito sa Malakanyang.

Tunay na anak ng mahirap, kaya nagtitiwala ang mga samahang ito na uunahin ni Yorme Isko ang kapakanan ng mahihirap at ng mga kapos-palad, nangako sila, “ang aming mga boto sa Mayo 2022 ang magpapabalik sigla sa ekonomya at magiging dinamikong lakas na magtutulak sa bansa sa matagal nang inaasahang paglakas at pag-unlad.”

Nagtitiwala rin ang samahang Buhay Kalinga – na binubuo ng mga health worker – na matatamo nila ang tunay na kalinga kung si Yorme Isko ang susuportahan nila.

Naakit sila sa mabilis na kilos ni Yorme laban sa pandemya, lalo na ang ginawang mass vaccination program, hindi lamang sa mga Manilenyo kungdi maging sa taga-ibang lungsod at bayan.

Wika ni Edison Eugenio, presidente ng Buhay Kalinga, nagpalakas sa kanilang hanay ang kalinga na tinanggap nila kay Mayor Moreno.

“Kay Yorme Isko namin ibibigay ang aming boto, at ito rin ang sabi ni Mike Rivera, lead convenor ng grupong Pinoy Ako, Isko Tayo Movement.

Binanggit ni Rivera ang pagmamalasakit at mabilis na aksiyon ni Yorme Isko sa kalingang mailigtas ang buhay ng maraming Manilenyo sa pagkuha ng bakuna laban sa corona virus at iba pang kailangang gamot para sa maysakit, lalo na sa sektor ng mahihirap.

Kaya ang panawagan ni Rivera ay makita sana ng mga botante ang bilis kilos ni Yorme Isko sa mga suliranin sa lipunan.

Na ito ay nakita na ng tatlong pangkat ng mga abogado tulad ng Lawyers for Yorme Isko, Convenor of Bedan Lawyers at ISKOLARS.

Bilib na bilib nga ang mga samahang manggagawa, at iba-ibang organisasyon at sektor ng lipunan na makakayang dalhin ni Isko ang bansa sa matagal nang inaasam at pinanabikang mabilis na pagbabago.

***

ISANG malaganap na samahan ng mga political officer, lider-kabataan at ng mga estudyante, solo parents, manggagawang bukid, karaniwang obrero, mga kilalang abogado, mga propesyonal at negosyante at mga kawani sa sektor ng turismo ang buong pagkakaisang nagpahayag na rin ng todong suporta sa kandidatura sa pagka-Pangulo ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Ito ang President Isko Moreno Movement – Isulong ang Kapakanan ng bawat Pilipino o PRIMO-ISKO na naniniwala na ang kandidatong Pangulo ng Aksiyon Demokratiko ay magbibigay ng inspirasyon upang maibangon at mapasigla ang lugmok sa kahirapan ng maraming mamamayang Pilipino.

Nakikita ng PRIMO-ISKO na makakaya ni Yorme Isko na mapagbuklod sa iisang layunin at diwa ang buong bansa; si Isko para sa kanila ay magiging Pangulo ng lahat ng Pilipino at masisimulan ang malaking pagbabago sa pamamahala.

Makakaya ni Yorme Isko na masimulan ang pagpapagaling sa mga sugat na nalikha ng marumi at mapaghiganting politika, at mapangungunahan ni Isko ang bansa sa pagbalikwas mula sa kahinaan ay mapalakas ang kabuhayan, lakas ng ekonomya at dignidad ng Pilipinas sa piling ng mga malalaking bansa sa mundo.

Nanawagan ang PRIMO-ISKO sa lahat ng mapagmahal na mamamayan sa mga siyudad at munisipalidad at sa magagaling na lider na tumulong sa pagbangon ng bansa, at ito ay magagawa sa pagsuporta sa kandidatura ni Yorme Isko.

Para matamo at mangyaring maging mas mapayapa at maunlad na Pilipinas, sinabi ng PRIMO-ISKO na mahalagang itaguyod at samahan si Yorme Isko Moreno sa kandidatura sa pagka-Pangulo sa eleksiyon sa Mayo 2022.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.