Advertisers
NAGDIRIWANG ang bansa dahil sa panalo ni Maria Ressa ng Nobel Peace Prize. Hindi sukat akalain na isang mamamahayag ang mananalo sa taong ito. Isang mabunying pagbati kay Maria Ressa sa kanyang katangi-tanging gantimpala sa isang makulay na career sa pamamahayag. Isang mariing sampal ito sa mukha ni Rodrigo Duterte na patuloy na iniiba ang takbo ng kasaysayan ng bansa. Mabuhay!
***
NAGKULAY rosas ang social media noong Huwebes nang nagdesisyon – sa wakas – si Leni Robredo na sumabak sa halalang panguluhan sa 2022. Hindi magkamayaw ang saya at sigla ng maraming netizen sa social media sa desisyon na hinintay ng marami sa loob ng sampo o siyam na buwan. Nagwakas ang urong-sulong na pulitika ni Leni at nagsabi na tatakbo siya sa panguluhan kahit walang paghahanda o makinarya na tutulong sa kanya.
Maiging maliwanagan ng maraming tagasubaybay ni Leni na sa himig ng pananalita – hindi pa nanalo si Leni. Hindi dahil nagdesisyon si Leni ay siya na hahalili kay Rodrigo Duterte. May mahabang proseso na tatahakin at hindi ito madali sa kanyang kampo – wala siyang salapi at makinarya na magagamit sa kampanya. Hindi namin alam kung kaya ipapanalo siya ng ingay sa social media.
Maiging maunawaan ng lahat na tagahanga na hindi lahat ay sang-ayon sa pulitika ni Leni. Sa kasagsagan ng proseso kung lalahok o hindi si Leni sa halalan sa 2022, naglayag mag-isa si Leni at kinausap ang ilang karakter na hindi oposisyon at tahasan naming sinasabi na kaaway ng demokrasya. Hindi namin maintintindihan kung bakit kinausap pa niya si Ping Lacson, Tito Sotto, Dick Gordon, Mane Pacquiao, at Isko Moreno.
Hindi malinaw kung ano ang layunin at mas lalong hindi maunawaan kung ano ang mapapala sa pakikipag-usap. Pag-iisahin niya umano ang oposisyon at palalakasin sa laban? Ngunit hindi kabilang sa oposisyon ang kausap niya. Pumoposisyon lang. Hindi siya kumonsulta sa mga kabilang sa totoong oposisyon.
Sa huli, pinaglaruan lang siya ng mga kausap niya. Sa huli, siya ang lumabas na atat na atat sa isang alyansa na tinanggihan siya. Anong alyansa? Nagmukha siyang trapo na nakipagpaligsahan sa mga trapo. Natigil ang kanyang paglalayag mag-isa nang nakita niya na hindi payag ang mga netizen sa social media na kasama ang mga trapo sa mga kanausap niya. Mabangis na pagtutol ang inabot niya.
Dahil sa ugali ni Leni na maglayag mag-isa at hindi kinokonsulta ang mga kasama sa oposisyon, may mga pangamba na sa gitna ng laban, bigla na lang pumalaot muli, maglayag mag-isa, at kausapin ng walang kaabog-abog ang ibang kasali sa laban. Pinakamasakit sa lahat na bigla siyang pumasok sa isang deal na hindi alam ng mga kasama kung anong uri ng deal iyon at ano ang mapapala ng oposisyon.
Tahasan namin na sinasabi na kahit sa gitna ng pagsamba ng hindi mabilang na tagahanga ni Leni, hindi kasi lubusang nagtitiwala sa kanyang kakayahan na timbangin ng maayos ang sitwasyon at magpasya na ayon sa katwiran. Mabangis din ang insulto na natanggap namin sa mga tinawag namin na mga Lenitic, ang mga estafador na nakapalibot kay Leni. Hindi kami magpapadala sa bugso ng pagsamba sa isang pulitiko.
Marami pang mangyayari. May high ang low ang kampanya. Dahil hindi talaga naghanda si Leni at hindi nagkaroon ng malinaw na strategy, hindi natin alam kung saan dadalhin ang kanyang kampanya. Maiging malaman ng kampo ni Leni na minamatyagan ang kanyang kilos. Hindi papayag ang maraming netizen na hayagang nanampalataya sa demokrasya na basta na yuyurakan ang dangal ng pakikibaka kontra pasismo at populismo.
***
HINDI matatapos ang taon, kusang magigiba ang 1Sambayan, ang koalisyon ng demokratikong pwersa sa bansa. Hindi ito itinayo upang magsilbing makinarya ng oposisyon sa halalan. Wala itong salapi na magagamit sa mga aktibidad ng ialalabang tiket ng oposisyon. Itinayo ito upang pumili ng ialalabn sa 2022. Matamlay ang Liberal Party dahil sa sunod-sunod na talo sa halalan kaya binuo ang 1Sambayan upang maglatag ng tiket ng oposisyon. Nasa proseso ngayon ito upang maghanda ng ireremondang tiket sa pagka-senador.
May bahid katotohanan ang pakiwari ni Rodolfo Divinagracia, isang netizen, na kinuha na ng Liberal Party ang papel ng 1Sambayan. Maalala na inirekomenda sa proseso ng 1Sambayan na si Sonny Trillanes ang dapat kandidato sa pangalawang kandidato. Biglang sinunggaban ni Kiko Pangilinan ang puwesto. Ipinanganak ang tambalang Leni-Kiko sa madla. Naglundagan sa tuwa ang pangkat ng Sharonian kasama ang mga lenitic at “delawan”. Ano ang susunod na kabanata sa hindi matapos-tapos na dula ng pulitika sa Filipinas? Abangan na lang.
May obserbasyon si Rudy Divinagracia sa mga political ads ng mga kandidato sa pangulo. Aniya:
“Bakit wala akong nakikitang political ads ni Leni? Noong naglunsad si Ping [ng kandidatura], may ads na kaagad sya. Ganoon si Isko. Walang problema si Manny; mayroon siyang Alaxan.
“Si Sara nga kahit nagsabi na ayaw tumakbo pero may ads sa national TV. Si BBM may text blast siya. Ginamit pa niya ang emergency alert ng NDRRMC.
“Sana magkaroon din ng ads si Leni.”
Hindi kasi naghanda si Leni sa laban. Bara-bara ang istilo. Hindi namin alam kung makakakuha siya ng sapat na panggatos sa kampanya. Kasama na ang sa political ads.
***
HINDI nagsumite ng kanyang CoC sa pagka-presidente si Sara Duterte. Lumampas na siya sa deadline. Pero biglang pumasok si Bato dela Rosa na nagsumite ng CoC bago matapos ang deadline. May post si Jason Philip Gutierrez, isang mamamahayag, at pakibasa:
“Do I look like a mockery to you?,” Dela Rosa asked, when challenged if his filing of candidacy for president was not a ploy to allow Sara to replace him the last minute.
“Mag file ba ako kung di ko gusto? Nandito ako para tumakbo bilang pangulo, kaya nag file ako,” he said.
When asked to comment that Sara can possibly replace him, he said “Di mas maganda.”
He admitted that his running was not a personal decision. “Pero this is a party decision,” he said.
Nothing to rouse you better from bed than stupidity by some people. Just saying.
***
Email:bootsfra@yahoo.com