Advertisers
ABOT-ABOT ang paggsisisi ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro at nangangamba sa kanyang political career sa huling termino sa pagkakawatak-watak ng kanyang supporters sa lungsod.
Ito ay matapos maghain ng Certificate of Candidacy (COC) bilang alkalde si 1st district Congressman Bayani “BF” Fernando.
Sa mismong “press release” na inilabas ng alkalde, tila hindi ito kumbensido sa kanyang ginawa na tanggihan ang mahigit P7 bilyong proyekto para sa lungsod.
Nanawagan din ito ng pagkakaisa sa mga politiko na magtulungan laban sa COVID 19.
“Umaasa ako na sana magbago pa ang isipan niya at makasama parin namin siya.
Alam ko nagalit siya dahil tinanggal namin yung reclamation area doon sa BF City at ito ‘yung naging dahilan at simula ng kanyang pagkagalit sa akin at ito ‘yung naging dahilan kung bakit siya tumakbo ngayon,” sabi ni Mayor Teodoro.
Kabado si Teodoro na hindi masungkit ang ikatlong termino dahil sa pagtakbong ito ng dating alkalde.
Aminado rin si Teodoro na hirap siya na makakuha ng mga tatakbong konsehal para sa line-up nito.
Si Teodoro ay naghain ng kanyang CoC sa huling araw ng filing noong Biyernes, Oktubre 8.(Edwin Moreno)