Advertisers

Advertisers

Uto-utong Senador

0 521

Advertisers

NATAWA ako rito sa tinuran ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nag-file ng Certificate of Candidacy (CoC) sa pagka-pangulo ng Pilipinas bago matapos ang deadline ng filing noong Biyernes, Oktubre 8.

Sabi ni Bato, ito ang araw na nasorpresa ang marami nang mag-file siya ng CoC para sa pagka-Presidente.

Si Bato ay mayroon pang 3 taon sa pagka-senador. Walang mawawala sa kanya, matalo man siya, balik lang siya sa Senado. Tatanggap ng multi-million pork kahit nakaupo lang.



Pero ang nakagugulat ay nang kapanayamin siya ng media at ibinunyag niyang nakatanggap lamang siya ng instruction para mag-file ng kanyang kandidatura bandang 3:00 ng hapon ng Biyernes, beating the deadline ika nga. Sabi pa niya: “Bahala na si Lord!”. Dinamay pa ang Diyos sa kalokohan niya. Animal!

Sa isiniwalat na ito ni Bato, nagmistula siyang uto-uto, sunud-sunuran sa kung sinong nagpapagalaw sa kanya. Anong klaseng senador ito?



Oo! Hindi pala bukal sa kalooban ni Bato ang pag-file ng CoC sa pagka-pangulo kundi inutusan lamang siya mag-file. For what???

Iniisip ko tuloy na kaya nag-file ng CoC sa pagka-pangulo si Bato ay para sa substitution process hanggang Nobyembre 15.



Sino naman sa tingin ninyo ang mag-substitute kay Bato just in case? Siguradong hindi si Pangulong Rody Duterte dahil ipinagbabawal sa ating Saligang Batas mag-reelect ang Presidente. Hindi rin siguro si Sen. Bong Go dahil nakapag-file na ito para sa pagka-Bise Presidente. Posible pa si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Si Sara ay nag-file narin ng CoC para sa reelection. Pero maari parin siyang magwidro at mag-substitute kay Bato o kay Bong Go.

Si Bong Go ay mayroon pang 3 taon sa kanyang termino. Tulad ni Bato, walang mawawala sa kanila kung magwidro o tumuloy at matalo man sila sa ‘22. Back to Senate lang sila. Mismo!

Itong substitution process ay dapat lusawin na ng Kongreso. Isang uri ng panloloko o panlilinlang ito sa mga botante. Gustong gusto ito ng mga tuso o trapo (traditional politicians).

Dapat din mamulat sa ganitong panloloko ng trapo ang mga botante. Kung ang isang ordinaryong kandidato ay nag-file para lang sa substitution ng isang trapo, dapat huwag nang iboto ang nag-substitute. Oo! Dahil kung sa pag-file palang ng CoC ay nanloloko na ito, what more kapag nakapuwesto! Mismo!!!

Isang malaking halimbawa rito si Pangulong Rody Duterte. Noong 2016, ang pinag-file nila ng CoC ay ang noo’y barangay chairman sa Quezon City na si Martin Dino. Pero bago matapos ang deadline sa substitution ay nagwidro si Dino, substitute si Duterte. Anong nangyari? Hanggang ngayong matatapos nalang ang termino ni Duterte ay puros pangako parin ang ginagawa niya sa mamamayan. Mga pangakong walang katuparan, mga salitang walang katotoran! Droga at korapsyon lalong lumala. Ewan!!!

Kaya itong mga trapo na nagpapain ng kandidato for substitution, ibasura nyo sa Mayo 9, 2022.

Anyway, itong eleksyon din ang pagkakataon na makaganti ang mamamayan sa mga tulisang politiko, mga politikong nagbubuhos ng kuarta para makabalik sa puwesto at makapagnakaw pa sa kaban ng bayan. Tanggapin natin ang kanilang pera at ‘wag iboto. Ang ihalal natin ay ang mga ‘di namimili ng boto dahil siguradong sila’y magseserbisyo ng tama at gagawa ng mga makabuluhang proyekto na hindi depektibo. Mismo!