Advertisers

Advertisers

TAGAYTAY CITY HALL: BAMBOL FOR ALL!

0 284

Advertisers

PATULOY na hayahay ang buhay ng mga ka-lungsod sa Tagaytay , Lalawigan ng Cavite.

Dahil ito sa mahusay at komprehensibong liderato ng mga Tolentino sa mahalinang lunduyan ng mga turistang lokal at dayo.

Nagbabalik muli sa kanyang balwarte bilang alkalde ng Tagaytay City si incumbent Cavite 8th District Congressman Deputy Speaker Abraham ‘Bambol’ Tolentino.



Ang makarismang public servant/sports leader na si Tolentino- kasalukuyang Pangulo ng prestihiyosong Philippine Olympic Committee (POC) na naging three-termer Representative ng mga Caviteño sa ika-walong Distrito ay naging punong- lungsod na rin siya ng pinaka- asensado, progresibo at highly urbanized na maipagmamalaki ng mga Cavitenos saan mang panig ng bansa at sa mundo- ang pamosong Tagaytay .

Ang workaholic na na si Bambol Tolentino ay naghain na ng kanyang Certificate of Candidacy sa COMELEC sa pagka- Tagaytay City Mayor na inaasahan namang in-the-bag dahil sa buong tiwala ng tao patunay sa kanilang walang sawang paglilingkod sa mamamayang taal na taga-Cavite partikular sa mga Tagaytayeños.



“Continuity ang layon ng ating serbisyo sa ating mahal na lungsod. Tuluy-tuloy ang ating serbisyo para sa kapakanan ng ating kababayan at kabalwerte sa Tagaytay. Ang narating na progreso ng ating lungsod at magandang kabuhayan ng mamamayan ang makapagpapatunay,” sambit ni mayoralty candidate Bambol Tolentino na tiniyak din ang kanyang espesyal at buong atensyon sa pinamumunuang Philippine Olympic Committee kung saan sa kanyang timon ang nanalo ng kauna-unahang Olympic gold medal ang Pilipinas.

Ang liderato ng mga Tolentino na nagpayabong ng kabuhayang agrikultural. industrial, komersiyo at turismo ay nagsimula sa kanilang patriarko . Naging alkalde rin si. Incumbent Senator Francis Tolentino, sumunod si Mayor Bambol at si Mayora Agnes Tolentino na maghahangad naman ng representasyon ng ikawalong Distrito ng Cavite sa susunod na August Chamber.



Mayor Tolentino..YES NA YES!