Advertisers
Arestado ang apat na durugista na nasamsaman ng P2.7 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay nitong Lunes.
Kinilala ang mga suspek na sina Rohamen Guialal Usman, 24; Salik Rowel Gomez, 33; Joemar Layan Balawag, 27; at Sheikh Abdulrauf Guialani, 18.
Iniulat ni Col. Cesar Paday-os, Pasay City police chief, na sa Seaside Boulevard sa MOA Complex, Pasay City nang masukol ang mga suspek.
Aabot sa 400 gramo ng shabu na nakasilid sa paper bag ang nakumpiska sa mga suspek.
Nakakulong na ang mga suspek at kakasuhan ng paglabag sa batas na may kinalaman sa iligal na droga.(Gaynor Bonilla)