Advertisers

Advertisers

Gobernador sabit sa pagdukot sa kaanak ng biktima ng heinous crime

0 215

Advertisers

MULI na namang mahaharap sa panibagong kasong kriminal si Quezon Province Gov. Danilo Suarez matapos na ituro ng umano’y ipinadukot na kaanak ng biktima ng kidnapping, serious illegal detention at rape at saksi rin sa tangkang pang-aareglo sa nasabing mga kaso sa halagang P3-milyon, pero nabigo.

Sa isang presscon kamakailan, iniharap ng grupong Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc. sa pamumuno ni Prof. Salvador Singson-de Guzman si Anamarie Santiago, tiyahin ng biktima ng kidnapping, serious illegal detention at rape ni Lopez, Quezon Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde.

Ayon sa sinumpaang salaysay ni Anamarie Santiago bago niya sinamahan si Atty. Joana Suarez, anak na abogada ni Gov. Suarez sa bahay ng biktima at pinsang si Rose Rosario Tapiador sa Pasig upang tangkaing suhulan at aregluhin ang kaso, ay ipinadukot muna siya ni Gov. Suarez sa tatlong bodyguard niya noong madaling-araw ng Setyembre 22, 2021.



Dakong alas-2 ng madaling-araw ng nabanggit na petsa habang natutulog siya sa loob ng kanilang nirerentahang bahay sa Malabon City kasama ang kinakasama niyang si Rodel nang katukin ang pintuan ng kanyang bahay. Pagbukas niya ng pintuan, kaagad pumasok sa loob ng bahay ang tatlong armadong lalaki na naka-bonnet.

Kaagad na hinawakan ng isang armado ang mga kamay ni Anamarie at sinabihan siyang sumama ng maayos sa kanila dahil ipinasusundo siya ni Gov. Suarez.



Sinubukan ni Rodel na isalba si Anamarie subalit sinuntok at sinipa ito ng isa pang armado at sinabihan na si Anamarie lang ang kailangan ni governor.

Pinagbantaan din si Rodel na huwag magsusumbong sa pulis at kahit kanino dahil papatayin nila si Anamarie kapag ito ay nagsumbong.



Ayon pa kay Anamarie ay kaagad siyang isinakay sa kulay puting van at nakita niya sa loob ng sasakyan ang hipag niyang si Myrna na taga-Mauban, Quezon province at siyang nagturo kung saan siya nakatira.

Hindi niya nakausap ang hipag dahil pinagbawalan ng mga armado na magsalita habang nakasakay sila at hanggang makarating sila sa opisina ni Gov. Suarez sa Kapitolyo ng Quezon province.

Wala pa si Gov. Suarez pagdating nila kaya naghintay sila subalit maghapon na pero hindi ito dumating.

Pinakain at pinatulog si Anamarie sa isang kuwarto sa Kapitolyo ng isang babaeng hindi nagpakilala.

Dumating si Gov. Suarez sa Kapitolyo, araw ng Setyembre 24 at nakausap ito ni Anamarie. Pinakiusapan ng governor si Anamarie na tulungan niyang makalabas ng kulungan si Yulde.

“Tulungan ko raw si Councilor Yulde na makalabas ng kulungan dahil kailangan siya ni Gov. Suarez at ito raw ang ginamit niya sa pagsasampa ng kaso sa Ombudsman laban sa isang opisyal”, ayon pa kay Anamarie.

Sinabi pa umano ni Gov. Suarez kay Anamarie na samahan niya ang anak nitong si Atty. Suarez sa bahay ng pamangkin at pinsang si Rosario at pakiusapan silang magpa-areglo na at babayaran sila.

“Nakaharap ako at narinig ko ang mga sinabi ni Atty. Suarez sa mag-ina na magbibigay si Gov. Suarez ng P3-milyong cash pero magbibigay muna siya ng P2-milyong cash at ang balanse na P1-milyong piso ay ibibigay niya kapag pumirma na ang biktima ng Affidavit of Desistance,” sabi ni Anamarie.

Ayon naman kay Prof. de Guzman ang pahayag ni Anamarie ay matibay na basehan upang kasuhan si Gov. Suarez at anak nitong abogada dahil gusto nilang pagtakpan ang mga kaso ni Yulde sa publiko at ito ay maliwanag na paglabag sa batas.