Advertisers
KUNG Papakinggan mo napakasarap namnamin ang mga pangungusap na binitiwan ng kasalukuyang namumuno ng Pasig City ang katagang “Walang Iwanan” sama sama tayong lalaban upang ibagsak ang matagal ng naghahari sa ating Siyudad ito ay nuong nangangampanya pa taong 2019 ang anak ni Bosing Vic na si Mayor Vico Sotto.
Ang lahat ng mga masusustansiyang kataga ay tila nabalewala mga Ka Usapang HAUZ dahil alam nyo kung bakit? Ang kaisa isang kagawad ng Barangay Manggahan na halos ibuwis ang kanyang buhay na hindi bumitiw hanggang sa huling minuto ng kampanyahan ay na isantabi ang pangarap na mapabilang sa lineup ng Mayor Vico Sotto Cong. Roman Romulo at Dudot Jaworski para sa Vice Mayor tandem.
Huwag na nating pahabain pa ang tinutukoy ng Usapang HAUZ ay si Brgy. Manggahan Kagawad Salvador Bobby Hapin na iniwan sa ere na sana kahit pabalat bunga ay isiniksik kahit panghuli sa lineup for City Councilor ng Dist 2 ng Pasig City.
Konting balik tanaw tayo mga Ka Usapang HAUZ alam ba ninyo ng tumakbong mayor ang anak ni bosing Vic eh ni walang naglakas loob na sumama rito o naghain ng CoC sa pagiging konsehal ng lungsod maliban kay kagawad Hapin para sa Dist 2 at ang Born to be Wild Host Kiko Rustia para naman sa Dist. 1 ang iba nagtatawa pa na kakain lang ng alikabok ang Vico Sotto na iyan sa mga Eusebio.
Pero itong si kagawad Hapin kasama ang ilan pang Brgy Manggahan officials na kinabibilangan nina kagawad Quin Cruz at dating Kapitan Bobby Bobis ay sumama na rin sa laban vs incumbent mayor Eusebio, to make the story short walang bumitiw sa mga ito sa pagsuporta sa laban ni Vico Sotto.
Sabi nga ng mga nakausap ko eh itong si kagawad Hapin at iba pa ay hindi nagpapatinag ulanin man o mabilad sa araw sa lakaran man o takbuhan ay laging nakasunod upang suportahan ang pangangampanya ng kanilang mayor vico sotto kung uso na nga raw ang Covid-19 ay tiyak nasapul ang mga ito.
Ngayon mga Ka Usapang HAUZ ianalisa nyo maganda ba ang naging gawi ng kasalukuyang Pasig City Mayor na iwan niya sa ere ang sa ngayong nagfile sa pagka konsehal bilang Independent kagawad Hapin samantalang hindi ito bumitiw sa laylayan ng kanyang sinamahan hanggang huli ng nakaraang eleksiyon.
May nagsasabi naman na bakit kukuhanin sa lineup itong si Hapin samantalang tatlong beses na itong nakalasap ng pagkatalo ng subukan nitong tumakbo bilang konsehal ng lungsod, kaya nga siguro nangarap na mapabilang ito sa lineup ni mayor Vico ay malaki ang tsansang manalo dahil bitbit sa lineup ang kanyang pangalan o pwede rin naman sabi ng mga taga dist 2 supporters ni kagawad na kahit sa pinakahuli na mailagay ang pangalan nito masabi lang na nasa partido ni Vico Sotto.
Pero bago matapos ang usaping pangiiwan sa ere ay nais nating kamustahin ang isa sa mga pinangako ni Mayor Sotto ang housing para sa Pasigueno, matatapos na ang 3 taon at eleksiyon na naman eh tila walang ingay ang nasabing pabahay.
May nakalap na impormasyon ang USAPANG HAUZ na mas bibigyang prayoridad ang mga tila kabuteng nagsulputan sa gilid ng floodway na kabahayan na ang karamihan umano ay miyembro ng Kadamay sarap naman ng buhay.
kung tutuong sila ang kauna unahang paaakyatin sa mga tila condo unit na pinagawa ng Pasig LGU eh di wow samantalang kailan lang ba sumulpot ang mga iyan habang ang mga residenteng nangungupahan na halos karamihan ay mahigit isang dekada na ay malabo pa sa sabaw ng pusit ang tsansa na maka avail ng pabahay, hindi naman siguro katulad ni Mayor Vico Sotto ang mga Eusebio na pinangakuan na nga kayo gusto nyo tuparin pa okey na yung pinangakuan.
########
Gusto lang malaman ng mga Ka Usapang HAUZ kung gaano ka tutuo ang sistemang pinaaandar ngayon ng kasaluyang Mayor ng Cainta Kieth Nieto halimba ng pamimigay ng Vaccine Stub.
Ang nakalap nating impormasyon ay kapag hindi ka miyembro ng”Kinikilig ni Nieto” ay impyerno ang aabutin mo sa pagkuha ng vaccine stub kailangan mo daw pumila ng pagkahaba-haba para matatakan ang iyong stub at pag may tatak na ito ay halos isang milya ulit na pila ang aabutin habang kapag ikaw ay miyembro ng kinikilig ay hayahay kung saan may kalakip pang 300 piso.
May bago ring patakaran na pinaiiral ang alkalde ayon sa ilang mga empleyado ng munisipyo tulad ng paglalagay ng MPSO sa ilang department head office na hindi nito kapanalig yung tipong ala Jaworsking pagbabantay kung may kadudadudang gawain ay agad na ipagbigay alam.
Meron pang lumalabas na harrasment tulad ng malaman lang na ikaw ay hindi sa kanya tiyak hold ang sweldo mo lalong lalo na kung ang mga ito ay J.O o casual employee, bukod pa umano na kahit ito ay regular employee ay ililipat ka sa mababang posisyon.
Nais rin nating malaman kung tutuong hinaharang ni Mayor Nieto ang mga proyektong pang probinsiya na ang destinasyon ay Cainta.
Kaya mga Ka Usapang HAUZ nagsanib puwersa sina Gob. Ito at first dist. Congressman Jack Duavit at nagtayo ng isang samahan na ang pangalan ay Barkadahan Cainta na hindi pa malaman kung ano ang pakay ng naturang samahan sa pamamalakad ni Nieto.
Bukas ang espasyo ng Usapang HAUZ para sagutin ng very energetic Cainta Mayor Kieth Nieto ang nasabing issue kung gaano ba ito katutuo?
***
Para sa inyong mga Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036