Advertisers

Advertisers

LAG dinale ng kooperatiba sa Bulacan!

0 9,971

Advertisers

Kooperatibang hinde rehistrado ay nakatangay ng milyones sa pamumuwersang pangangaltas sa perang dapat matanggap ng mga benepisaryo ng LIVELIHOOD ASSISTANCE GRANT (LAG) mula sa tulong pinansiyal ng gobyerno ang dinanas ng mga apektado ng COVID-19 PANDEMIC sa PANDI, BULACAN.

Bunsod nito, ang mga nadale ng “MODUS KALTAS” ng MAGIC 7 COOPERATIVE ay naghain ng reklamo sa PRESIDENTIAL ANTI-CORRUPTION COMMISSION (PACC) laban sa mga tauhan ng DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) sa bayan ng PANDI, BULACAN ,
hinggil sa anila’y sapilitang pagbabawas sa natanggap nilang tulong pinansyal. .

Sa VIRTUAL PRESS CONFERENCE nitong nakaraang Miyerkules ay inihayag ni PACC OIC ATTY. YVETTE CONTACTO, na noong September 15 ngayong taon ay nagtatag ng TASK FORCE LAG si dating PACC CHAIRMAN GRECO BELGICA.., para masiyasat ang reklamo ng mga benepisaryo sa bayan ng PANDI tungkol sa pagbabawas ng P5,000 hanggang P10,000 mula sa aprubadong P15,000 na ipinamahagi sa ilalim ng programang LAG ng DSWD; at kinalaunan ay sinundan naman ng pagbuo ng TASK FORCE LAG ng PAMAHALAANG BAYAN ng PANDI.



Base sa reklamo ng mga nakaltasan ay binigyan sila ng halagang P15,000 ayuda na pinapirmahan sa kanila ng MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE bilang patunay na natanggap daw nila ang ayuda. Subalit, hindi pa sila nakakaalis ng lugar kung saan ipinamahagi ang ayuda ay pwersahan nang ipinalagak sa kanila ng mga kinatawan ng MAGIC 7 COOPERATIVE ang halagang P5,000.., hehehe matindeng panghoholdap nga.

Pag-uwi naman daw sa kanilang mga bahay, muli ay may kumausap sa kanila at pwersahan din na ipina-donate ang panibagong P5,000 para magamit naman daw ng mga samahan sa barangay gaya ng senior citizens, PWD, kababaihan o iba pang sektor.., wow wais na raket, gagamitin naman daw iyon ng mga samahan sa pagtatayo ng kabuhayan gaya ng bigasan, tubigan o grocery stores.



Dahil dito, inireklamo nila sa PACC ang pangyayari dahil ang alam nila na ang halagang P15,000 dapat ay buo nilang natanggap at hindi dapat pwersahan na kaltasan para ipasok sa bogus cooperative at livelihood program ng mga samahan.

Inihayag naman ni CONTACTO na inutusan ng DSWD sa harap ng PACC na isoli agad ng kooperatiba ang mga kinaltas na pera sa mga benipisyaryo ng LAG na may kabuuang bilang na 3,500.., na tinatayang 1,000 dito ang kinaltasan ng pera para ipasok sa nasabing kooperatiba.., yun nga lang ay hinde pa nakukumpirma ng PACC kung naibalik na ng kooperatiba ang kinaltas na pera sa mga nasabing benepisyaryo na tinatayang aabot sa halagang P6.9 milyon.



Naku.., dapat e agarang alamin ng PACC kung naisoli na ba ng MAGIC 7 COOPERATIVE ang perang kanilang hinoldap sa mga benepisaryo.., at sino-sino ang 7-kataong bumubuo ng MAGIC 7 COOPERATIVE? Bakit nakapag-operate agad ito gayung noong mangyari ang reklamo ay wala pa raw rehistro ang kooperatiba kundi application pa lamang ang ipinoproseso sa COOPERATIVE DEVELOPMENT AUTHORITY (CDA)…, posible kayang ang MASTERMIND dito ay mula sa DSWD o MSWD ng PANDI?

Mga ka-ARYA, nasa kabuuang 3,500 LAG beneficiaries na rin umano ang una nang nakatanggap ng ayuda mula sa NATIONAL GOVERNMENT, na ang layunin nga ay mabigyan ng tulong-pinansyal ang mga pamilyang naapektuhan ang hanap-buhay dahil sa Covid-19 pandemic.

Ang pagbibigay ng administrasyong Duterte ng financial assistance ay para mapakinabangan ng mga pamilya na naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa umiiral na community quarantine at hindi para ibulsa ng iilan ayon kay CONTACTO.

Kaya naman, hinihikayat ni CONTACTO ang publiko na magsumbong gamit ang text hotline ng PACC na 09066927324 at 8888 o mag-email sa complaints@pacc.gov.ph sakaling may reklamo hinggil sa korapsyon.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.