Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “… `ang salita mo ang katotohanan’…” (ang pahayag ni Jesus sa Juan 17:17, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
MGA DALUBHASA SA COVID 19, NAGTATALO-TALO KUNG BUMABABA NA NGA BA ANG BILANG NG MGA NAHAHAWA NG VIRUS: Nababalot ngayon sa matinding pagtatalo-talo ang mga dalubhasa sa COVID 19 sa Pilipinas sa isyu ng sinasabing patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nahahawa ng nasabing virus at ng kaniyang Delta variant, kasama na ang iba’t-iba pang mga uri nito na nakakahawa at nakakamatay.
Sa pangunguna ng Department of Health, ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, at ng OCTA Research Group, sinasabi ng isang grupo na nakikita na ang tuloy-tuloy na pagbaba ng infection rate ng COVID 19.
Ayon naman sa isa pang grupo ng mga dalubhasa, ipinapakita ng pandaigdigang impormasyon sa COVID 19 na hindi bumababa kundi sumasargo o dumadami pang muli ang nahahawa.
Sa ulat ng OCTA noong umaga ng Oktubre 21, 2021, bumababa na ng husto ang mga nahahawa ng COVID 19, at nakikita na diumano na babalik na ang dating regular na bilang ng pagdami ng tinatamaan ng infection ng virus sa mga huling araw ng buwan ng Oktubre.
Sa ulat ng mb.com.ph, ang online version ng pahayagang Manila Bulletin, nakatampok doon ang pahayag ni OCTA fellow Dr. Guido David na sa nakaraang pitong araw, nasa halos 6,000 katao na lamang ang mga nahahawa sa virus.
***
PANDAIGDIGANG TREND SA COVID 19 AY NAGPAPAKITANG DUMADAMI PA DIN ANG TINATAMAAN NG VIRUS: “Cases are expected to decrease to pre-delta surge level by end of October. Current 7-day average in PH is 6416 and 1156 in the NCR. Reproduction number in PH is 0.55 and 0.47 in the NCR,” dagdag ni Dr. David sa kaniyang Tweeter account na @iamguidodavid.
Sa kabilang dako, batay naman sa mga ulat na nagmumula sa mga international news agencies gaya ng pahayagang The Independent, lumilitaw na dumagsa na naman ang bilang ng mga mamamayan doon na nahahawa ng COVID 19 araw-araw.
Ngayon, ayon sa The Independent, hindi na bumababa ang bilang sa 50,000 katao ang nagkaka-COVID 19, bagamat ang marami sa mga nagkakasakit na ito ay di na nagpapa-admit muna sa mga ospital.
Nababahala na din ang mga autoridad sa gobyerno doon dahil sa pagdami na naman ng mga namamatay araw-araw dahil sa COVID 19, na inaasahang lolobo sa hindi bababa sa 100,000 katao araw-araw.
Isinisisi ng mga authoridad sa London ang muling paglala ng COVID 19 infections doon sa pagbubukas ng mga eskuwelahan kung saan face to face, o pumapasok sa classrooms, na naman ang estilo ng pag-aaral ng mga kabataan.
***
KAWALAN NG KREDIBILIDAD NG MGA ULAT SA COVID SA PILIPINAS, BINABATIKOS: Isinisisi din ng marami sa nasabing bansa ang pagdami ng mga nahahawa sa kasalukuyan sa pagluluwag na ipinatupad ng pamahalaan matapos bumaba ang bilang ng mga nahahawa noong Marso.
Batay sa obserbasyon ng marami, madaling nakakalimot ang mga tao na bagamat binawi ang mga limistasyon upang maiwasan ang COVID 19, nananatili pa din ang virus sa kapaligiran at hindi nawawala ang bisa nito na maminsala at makapatay ng mga biktima.
Sa Pilipinas, marami ang sumisilip sa katapatan o katotohanan ng mga bilang ng mga nahahawa o namamatay sa COVID 19 na iniuulat ng DOH at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Bunga ito ng madalas na pabago-bago at papalit-palit na datos ng nasabing mga ahensiya, at ng hindi pag-uulat, sinasadya man o hindi, ng mga datos na nagmumula sa ilang mga COVID treatment centers o hospitals.
Nagiging isyu din ang pananaw ng iba na may mga “lihim” sa mga pag-uulat sa COVID sa bansa, na dahilan upang magkaroon ng kamalayan ang maraming Pilipino na pagdudahan o di kaya ay lantarang hindi na paniniwala sa mga iniuulat na bilang ng DOH at ng gobyerno.
***
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.