Advertisers
Bagamat incumbent governor itong si Amado “Pogi” Espino III ng probinsiya ng Pangasinan, tila llamado at binibigyan ng bentahe ng mga political observers ng lalawigan si 5th District Congressman Ramon “Guwapo” Guico III na umano’y sinusuportahanm ng mga political bigwigs ng lugar.
Maghaharap ang sitting Governor na si Pogi Espino at si Rep. Guwapo Guico na parehong mula sa maimpluwensiyang political clan ng Pangasinan sa pagka-gobernador.
Inaasahang magiging mahigpitan ang labanan ng dalawa kung saan lamang si Guico sa mga lokal na opisyal ng probinsiya na iniulat na susuporta sa huli.
Si Gov.Pogi Espino ay anak ni former Governor Amado Espino Jr. na naging congressman din ng ika-5 distrito ng Pangasinan.
Si Cong. Guwapo Guico naman ay anak ni Binalonan Mayor Ramon Guico Jr. na iniulat namang papalit sa anak na si Guwapo para sa posisyong mambabatas sa 5th district.
Ilan sa mga kilalang pulitiko ng Pangasinan na kaalyado ng mga Guico ay sina former Congressman Mark Cojuangco, 3rd District incumbent Rep. Rosemarie Arenas,Bayambang Mayor Cezar Quiambao, Sta. Barbara Mayor Joel delos Santos,Mapandan Mayor Anthony Penuliar, Mayor Marilyn Lambino ng Mangaldan at Mayor Kim Amador of Manaoag.
Sa unang distrito ng Pangasinan na may isang siyudad at siyam (9) na munisipalidad, tatlong bayan dito ang sumusuporta kay Guico.
Ang mga ito at ang mga bayan ng Sual, Mabini at Dasol.
Inaasahan pa rin na ang mga alkalde ng mga bayan ng Mangatarem, Urbiztondo at Aguilar ay pro-Guico rin base sa mga ulat ng mga lokal na lider ng kampo ni Guwapo Guico.
Supporters din ni Guico sina Mayor Marilyn Lambino ng Mangaldan at Mayor Kim Amador ng Manaoag na kapwa nasa ika-4 na distrito ng Pangasinan.
Sa 5th district na itinuturing bailiwick ng mga Guico, inaasahan ang suporta nina
Mayor Danilo Uy ng bayan ng Sison, Mayor Emma Chan ng Pozurrubio,ama nitong si Binalonan Mayor Ramon Guico Jr.at Urdaneta City Mayor Rammy Parayno.
Sigurado rin umano ang suporta na magmumula sa mga alkalde ng mga bayan ng Rosales,Tayug at San Nicolas.
Tiwala si Guawapo Guico na mayorya sa mga alkalde ng Pangasinan ay pabor sa kanyang kandidatura na may malaking disgusto na sa klase ng pamamalakad ng nakaupong Gobernador na si Pogi Espino.
Inindorso rin ni former President Gloria Macapagal Arroyo si Guico sa laban nito kontra Espino.
Tubong Binalonan, Pangasinan ang ina ng dating Pangulo na si Eva Arroyo.
Sinabi pa ni GMA na kukumbinsihin nito si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, chairman ng ruling PDP-LABAN na gawing official administration candidate si Guwapo Guico sa pagka-gobernador ng probinsiya.
Samantala, kapwa sumusuporta rin kay Guico ang pamosong Celeste brothers ng NPC na may hawak ng majority sa mga alkalde sa Unang Distrito ng Pangasinan na kinabibilangan nga nina Bolinao Mayor Alfonso Celeste, Alaminos City Mayor Art Bryan Celeste, Anda Mayor Joganie Rarang, Infanta Mayor Marvin Martinez, Burgos Mayor Ronald Ngayawan Agno Mayor Gualberto Sison, Bani Mayor Gwen Yamamoto at Anda Mayor Joganie Rarang.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.