Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HINDI na rin naman bago para kay Andrea Torres ang lumabas para sa isang international movie. Nagtambal sila ni Mikael Daez para sa Cambodian film na “Fight for Love” noong 2016 pero sa latest movie na ginagawa ngayon sa Argentina ni
Andrea ay siya lang ang bukod tanging Pinay cast at leading lady pa ng isang international actor na si Marcelo Melingo, na may working title na ‘Pasional’. Todo puri ang inabot ni Andrea mula sa kanyang leading man dahil sa pagiging propesyonal actress ng isa sa lead star ng seryeng ‘Legal Wives’ ng GMA-7.
“Very grateful and happy to start this adventure that we will film in Argentina and the Philippines. Together with Andrea Torres,” say ni Marcelo sa isang press conference na binigay ng producer nila ni Andrea sa naturang bansa.
Kaya ganun na lang ang labis na kasiyahan sa puso ni Andrea sa pinakitang pagpapahalaga sa kanya ng kanilang producer pati na rin ang warm welcome na binigay sa kanya ng mga mamamayan sa Argentina.
“Hindi ako makapaniwala! Napakalaking blessing na napakaganda ng taon na ito for me in terms of career. I’m very, very happy lang talaga,” say naman ni Andrea.
Mukhang hindi napigil ng pandemya ang international karir ng mga lokal nating aktres, andiyan si Bianca Umali para sa HBO Asia Original series ‘Halfworlds’, si Heart Evangelista para sa isang untitled pang international movie plus naging part ng isang Netflix series following the lives of Rich Crazy Asians ang “The Bling Empire Season 2′, si Lovi Poe naman para sa isang international movie na ‘The Chelsea Cowboys’ na kasalukuyan sino-shoot ngayon sa States katambal ni Alex Pettyfer.
***
LJ AT PAULO FRIENDS ULIT
PABIRO nang natanong kung willing ba si LJ Reyes na makipagtagpo sa ama ng kanyang panganay na anak na si Aki, kay Paulo Avelino, sa Baguio City kung saan naninirahan ang aktor.
Isang ngiti lang ang naging tugon ni LJ. Kung matatandaan ay naging kontrobersiyal ang naturang lungsod nang nakunan ng larawan na magkasama sina Yen Santos at dating partner ni LJ na si Paolo Contis. Napost ang naturang larawan sa kainitan ng hiwalayan blues nina Paolo at LJ.
Isa sa naikuwento kasi ni LJ sa panayam sa kanya ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda na minsan ay nag-reach out sa kanya si Paulo. Hindi kasi maiiwasan na hindi mangumusta si Paulo kay LJ dahil ang Kapuso actress ang ina ng kanyang panganay na anak.
Naging magkaibigan naman daw sila ni LJ para sa kapakanan ng kanilang anak.
Sa panayam pa rin kay LJ ay nasabi nito na unti-unti na niyang pinag-aaralan ang tuluyang pagpapatawad sa dating partner. Inamin din niyang may mga oras na napapaiyak pa rin siya sa nangyari sa relasyon nila ni Paolo at bukod tanging sa Itaas na lang daw siya kumukuha ng lakas para sa araw-araw na pamumuhay kasama ang mga anak na ngayon ay sa Amerika na nanunuluyan kasama ang magulang ni LJ.