Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
UNANG BL (Boy Love) series ni Andrew Gan ang Limited Edition.
Paano siya napapayag na gawin ang naturang gay-themed project?
“Actually, before pa po sumikat ang mga BL series, gusto ko na talagang gumawa , actually My Husband’s Lover days pa lang, di ba sikat na sikat yun?”
Phenomenal ang sakses ng My Husband’s Lover na serye ng GMA noong 2013 na gay lovers ang papel nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo.
“Pinag-pray ko kay Lord, bigyan ako ng tamang project, tamang material and tamang production,” pagpapatuloy ni Andrew.
“Andaming naglabasan lately na BL pero mas focused sila sa pagpapakita ng skin, ganun, so pinag-pray ko kay Lord, na sana mabigyan ako ng material na mas focused sa story and mas maipakita sa viewers kung paano magmahal ang same gender, kung paano sila masaktan, paano kiligin, paano matuwa.”
Blessing para kay Andrew ang Limited Editon, halos pa-give up na raw siya sa kawalan ng taping, shooting at raket sa showbiz dahil sa pandemya.
Pansamantala ring sarado that time ang negosyo ni Andrew, ang Releaf Massage and Nail Spa dahil sa pandemic (ngayon ay bukas na muli ang business ni Andrew na matatagpuan sa Karuhatan sa Valenzuela City).
February 2021 sila nag-shooting ng Limited Edition.
“Ang ganda ng story, ang ganda ng script,” sagot ni Andrew kung paano siya finally napapayag na gawin ang Limited Edition.
“Sabi ko, malulungkot ako pag hindi ako nakuha para dito, nung pag-uwi ko after kong mag-audition, and ang tagal ko na rin kasing pinagpe-pray, e.”
Dahil gay series ang Limited Edition, tinanong si Andrew during the audition kung willing ba siyang makipag-kissing scenes (at intimate scenes) sa kapwa niya artistang lalaki.
“Siyempre, ako, ‘Oo, okay ako kung ikakaganda ng eksena!’
“Nung nag-lock in na kami, nung kukunan na yung eksena, dun ko na naramdaman ang kaba,” natatawang sinabi ni Andrew.
At dahil maselan ang naturang eksena na ayaw i-reveal ni Andrew, naka-take 4 daw sila ng kanyang kaeksena.
“Kaya dapat abangan ang eksenang yun,” sinabi pa ni Andrew.
Napapanood ang Limited Edition tuwing Sabado, 8pm sa Bragais TV sa Youtube; ngayong Sabado, October 30 ay episode 4 na ng Limited Edition ang ipalalabas na bida rin sina Jomari Angeles at Ron Angeles at sa direksyon ni Jill Singson Urdaneta.
“Every third episode po kasi nagbi-break kami ng one week. Kasi nine episodes po kami, may layering kasi po yung kuwento and hand-to-mouth din po kami sa dubbing,” sinabi pa ni Andrew.
Malapit na ring mapanood si Andrew sa isang upcoming soap opera ng GMA, ang End Of Us; kasalukuyan na silang naka-lock in taping.
***
Malapit nang mapanood si Shaira sa Lolong ng GMA kung saan sila nina Ruru Madrid, Arra San Agustin at Christopher de Leon ang mga bida.
Tungkol ito sa kuwento ng isang higanteng buwaya at itinanong namin kay Shaira kung may eksena ba siya na may kasama siyang totoong buwaya.
“Ang alam ko po wala namang totoong buwaya sa Villa Escudero pero siguro kung meron man at medyo malayo, okay lang. Na kunyari lalakad lang, pero kung hahawakan parang siyempre kailangan yung safety muna natin.
“Pero meron po kaming malaking Lolong, animatronics, iyon po, sobrang laki niya.
“Mostly iyon po ang kaeksena namin, yung malaking buwaya na yun.
“Excited po ako kasi first time ko na ang co-actor ko ay isang buwaya na parang robot, na pinapagalaw nila.”
Kung totoong buwaya ang ipapahawak kay Shaira, papayag naman daw siya.
“Siguro mabilis lang po,” at tumawa ang Kapuso actress, “mabilis lang po, siguro bandang buntot lang, huwag na po dun sa bibig. Buntot lang at likod, medyo matapang naman po ako sa animals, pag nakatalikod lang siya, huwag lang siyang haharap.”
Habang hindi pa umeere ang Lolong, regular na napapanood si Shaira sa i-Bilib kasama nina Chris Tiu at Roadfill Macasero.
Isa sa pinakapopular na programa ng GMA, sari-saring kaalaman at eksperimento ang napapanood sa i-Bilib tuwing Linggo, 9:35 ng umaga.
***
SA MAGPAKAILANMAN ngayong Sabado (8:15 pm) sa GMA na may pamagat na The Haunted Daughter ay tampok sina Althea Ablan bilang si Rona, Smokey Manaloto bilang si Diego, Angeli Bayani bilang Nancy at John Kenneth Giducos bilang Ronron.
Ito ay sa direksyon ni Jorron Monroy, sa panulat ni Loi Argel Nova
at pananaliksik ni Angel Launo.
Dahil Araw ng Mga Patay sa Lunes, ang kuwento ng Magpakailanman ay tungkol sa isang pamilyang naatasang mangalaga ng isang bagong biling bahay na lingid sa kanilang kaalaman ay pinamumugaran pala ng mga multo at masamang espiritu.