Advertisers
Kinakabahan na ang PBA sa Japan B League. Lumalakas kasi ang liga ng mga Hapon. Paano ay pati mga Pinoy player ay naeenganyo sa agawan. Mga amateur o professional man. Una na sina Thirdy Ravena, RayRay Parks at ang mag-utol na Gomez de Leano. Tapos sinundan nina Dwight Ramos at Kobe Paras. Pati nga ang pro at may kontrata na si Kiefer na kapatid ni Thirdy ay lumipad na rin. Iyong anak ni Marlou na si Matthew ay kalahok din bilang lokal dahil may lahing Japanese ang ina.
Mas malaki raw ang budget ng mga koponan kaya pwede magpasahod ng higit na mataas. Komo mas may pera ang mga Hapon at kayang magbayad ng mas mahal na tiket at sponsorship. Mas maganda kasi ang ekonomiya ng ating kapit-bansa.
Dati kinabahan din ang 46 old na torneo sa Metropolitan Basketball Association nguni’t hindi naman nagtagal ang katapat nila.
Tingnan natin kung lalala pa sa darating na panahon ang pag-ober-da-bakod ng mga manlalaro natin.
***
Sa presidential race naman ay walang sulutan ng senatoriables. Naging mga common bet sila ng ilang presidentiable.
Mayroon kasing mga sakalam na mga senador. Kahit saan sila ilagay ay magwawagi. Ayun, pumayag ang mga kandidato sa pagkapangulo na ilista sila sa kanilang line-up.
Halimbawa ay si Leni Robredo na may anim na tatakbong senador bilang mga guest candidate na nasa panig din ng iba.
***
Mabuhay si Carlos Yulo sa pagpanalo ng gold at silver kamakailan sa World Gymnastics Championship sa Kitakyushu, Japan.
Mainam na development ito para sa ating kampeon na gymnast. Tuloy-tuloy na sana ang kanyang improvement para sa susunod na Olympics.
***
Abangan sa Boomer’s Banquet ang NBA special episode sa ika-13 ng Nobyembre. Tumango na sina Norman Black, legit na NBA cager, sportswriter Lito Cinco at Almond Cajefe ng Wilson Balls sa Pilipinas. 10 AM hanggang 12 NN yan sa Facebook Live at YouTube.